Dahil Malapit Na Naman Ang Pasko
Hindi pa dapat ako papasok sa office pero nung naisip ko kung ilan pa yung kulang ko para matapos tong internship na toh, napilitan akong pumasok and hindi ko na inisip yung sakit ko.
Pagkapasok sa office, nagbasa basa muna ko ng mga blog na nasa blogroll ko. Nabasa ko entry ng pinsan ko na si Jep about Pasko. Yep, Mr. T! December na pala. Kanina ko lang narealize na December na. Marami na ang ilaw sa kalsada, decorated na ang malls, pati ang office may mga decorations na rin. Pero sa totoo lang, hindi ko mafeel na malapit na ang Pasko. Tulad na lang sa bahay, taon taon, ako ang nagdedecorate ng Christmas tree. Pero 3 weeks na lang before Pasko, wala pa rin kaming Christmas tree. In short, wala ako sa mood itayo Christmas tree namin. Ni walang Christmas lights sa bahay. Puros pigurin lang ni Santa Clause. Kung sana totoo lang talaga si Santa Clause and kaya niya ibigay mga gusto ko. Mga gusto ko na hindi material na bagay. Pero hindi, walang Santa Clause and wala ring mga Tooth Fairies. But somehow I hope, there were.
Iba ang feeling dati pagDecember. Iba rin ang Pasko. Nung nagtwenty ako, hindi na ko nanghihingi ng regalo sa mga Titos and Titas ko. Pati sa mga Ninongs and Ninangs ko hindi na rin. We grow, and mature and pinarerealize sa tin ng time na it's time to give back those blessings to people who have touched our lives. Kaya, simula nung may kaya na kong bumili ng regalo para sa iba, never a year, since 2005, nakalimutan ko ni-isang pamangkin ko bigyan ng mga regalo. Nadagdagan na rin pala inaanak ko. So wala na namang matitira sa inipon ko para sa sarili ko. Pati mga kasambahay pala bibigyan ko rin. At feeling ko yung ipadadala ni Kuya sa Pasko pambibili ko rin ng regalo para sa ibang tao. Ganun naman lagi eh. Sa totoo lang, mas masarap yung pakiramdam ng nagbibigay kesa yung tumatanggap. Masaya ko pag nakakapagpasaya ako ng tao kahit sa pagbibigay lang ng regalo tuwing Pasko. Ngayon ko lang narealize, I'm growing up.
Marami pa kailangangang tapusin ngayong taon na toh. Though some things have ended before December, marami pa, marami pa. Sana hindi na macarry over to next year mga bagay bagay na tinatapos ko ngayong taon. Gusto ko iwan tong taon na toh as it is. Ayoko magdala ng kahit anong baggages, emotional baggages and whatever baggages sa susunod na taon. I'll leave those to this year. The only thing na I'm sure na madadala ko sa susunod na taon ay mga masasayang alaala ng mga pangyayari at mga taong naging parte ng buhay ko. Mga taong nakilala and those friends I've lost along the way. I'll make sure that everytime I'm gonna look back at 2008, I'll smile. Tulad nung kalangitan kagabi. :)
princesscha

nung ganyang age ko, wala na ding gana sa kin ang pasko. parang ordinary day nga lang eh. gastos pa, ahahhahaha!
jjcobwebb (guest)
princesscha

riicey
jjcobwebb (guest)