Hindi pa dapat ako papasok sa office pero nung naisip ko kung ilan pa yung kulang ko para matapos tong internship na toh, napilitan akong pumasok and hindi ko na inisip yung sakit ko.

Pagkapasok sa office, nagbasa basa muna ko ng mga blog na nasa blogroll ko. Nabasa ko entry ng pinsan ko na si Jep about Pasko. Yep, Mr. T! December na pala. Kanina ko lang narealize na December na. Marami na ang ilaw sa kalsada, decorated na ang malls, pati ang office may mga decorations na rin. Pero sa totoo lang, hindi ko mafeel na malapit na ang Pasko. Tulad na lang sa bahay, taon taon, ako ang nagdedecorate ng Christmas tree. Pero 3 weeks na lang before Pasko, wala pa rin kaming Christmas tree. In short, wala ako sa mood itayo Christmas tree namin. Ni walang Christmas lights sa bahay. Puros pigurin lang ni Santa Clause. Kung sana totoo lang talaga si Santa Clause and kaya niya ibigay mga gusto ko. Mga gusto ko na hindi material na bagay. Pero hindi, walang Santa Clause and wala ring mga Tooth Fairies. But somehow I hope, there were.

Iba ang feeling dati pagDecember. Iba rin ang Pasko. Nung nagtwenty ako, hindi na ko nanghihingi ng regalo sa mga Titos and Titas ko. Pati sa mga Ninongs and Ninangs ko hindi na rin. We grow, and mature and pinarerealize sa tin ng time na it's time to give back those blessings to people who have touched our lives. Kaya, simula nung may kaya na kong bumili ng regalo para sa iba, never a year, since 2005, nakalimutan ko ni-isang pamangkin ko bigyan ng mga regalo. Nadagdagan na rin pala inaanak ko. So wala na namang matitira sa inipon ko para sa sarili ko. Pati mga kasambahay pala bibigyan ko rin. At feeling ko yung ipadadala ni Kuya sa Pasko pambibili ko rin ng regalo para sa ibang tao. Ganun naman lagi eh. Sa totoo lang, mas masarap yung pakiramdam ng nagbibigay kesa yung tumatanggap. Masaya ko pag nakakapagpasaya ako ng tao kahit sa pagbibigay lang ng regalo tuwing Pasko. Ngayon ko lang narealize, I'm growing up.

Marami pa kailangangang tapusin ngayong taon na toh. Though some things have ended before December, marami pa, marami pa. Sana hindi na macarry over to next year mga bagay bagay na tinatapos ko ngayong taon. Gusto ko iwan tong taon na toh as it is. Ayoko magdala ng kahit anong baggages, emotional baggages and whatever baggages sa susunod na taon. I'll leave those to this year. The only thing na I'm sure na madadala ko sa susunod na taon ay mga masasayang alaala ng mga pangyayari at mga taong naging parte ng buhay ko. Mga taong nakilala and those friends I've lost along the way. I'll make sure that everytime I'm gonna look back at 2008, I'll smile. Tulad nung kalangitan kagabi. :)

Currently listening to: One Step At A Time by Jordin Sparks
Currently feeling: reflective
Posted by jjcobwebb on December 2, 2008 at 12:17 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)
Comment posted on December 2nd, 2008 at 12:32 PM
anong meron sa kalangitan kagabi?

nung ganyang age ko, wala na ding gana sa kin ang pasko. parang ordinary day nga lang eh. gastos pa, ahahhahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 2nd, 2008 at 12:38 PM
ah di mo nakita yung sky kagabi? Yung Venus and Jupiter magka-align. Tapos sa baba nila yung cresent moon parang smiley actually -- : ) <<< ganyan. Tilt mo head mo. :)
Comment posted on December 2nd, 2008 at 12:54 PM
ay, di ko nakita. baka yan yung binabanggit ni mommy jong sa blog niya. sayang!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 2nd, 2008 at 01:01 PM
baka yun nga :-)
Comment posted on December 2nd, 2008 at 12:30 PM
omgosh. touching naman ng blog mo. you're a sweet guy. pero howcome ur not in the mood of christmas? Mga taong naka abroad, yan nga ang pinaka-miss nilang celebration, isa na ko doon. Miss na miss ko na ang Christmas sa pnas. Napaka dry kasi d2 eh, kasi nde lahat ng mga tao d2 christiano at nagcecelebrate ng pasko. so yeah.. ur lucky u get to celebrate it there. I wish i can go home next year just to celebrate christmas and new year in the philippines..

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 2nd, 2008 at 12:37 PM
aw, marami kasi nangyari ngayong taon. marami pa rin hindi tapos na dapat tapusin. pero siguro once matapos na mga things na dapat tapusin, mafefeel ko na rin siguro ang Christmas. For the longest time alam mo ba, bihira ring kumpleto ang family namin pagChristmas. Kuya ko nasa States and tatay ko nasa Saudi. Ayun, mafefeel ko rin ang Christmas once everything I need to finish is done. :-) thanks for dropping by.