10 Things That Make Me Happy
Ayan, since tinag na naman ako ni Aubrey, maglalagay na rin ako sa blog ko nito. Actually, masayahin akong tao Mr. T! Alam mo yan! Di na kailangan imemorize yan! Haha! Pero itry ko iblog yung mga bagay that never fail to make me happy. Simple lang naman ako eh. So eto sige na, ang dami ko na namang satsat. Hindi pala ako magtatag ng ibang tao dahil hindi ako ganun. Kung gusto nila irepost toh sa blog nila, go go go lang. Itag na lang nila sarili nila. So sige eto na po. In no particular order:
10 Things That Make Me Happy
- Food
- At sino hindi sasaya sa pagkain di ba Mr. T? Masaya ako pag kumakain ako kasi matakaw daw ako and I disagree. Hindi ako matakaw. Mahilig lang talaga ako kumain. Mas lalo akong masaya kung Sashimi or Marshmallows ang aking kinakain. Yum yum!
- Pera
- Money can't buy happinees. Alam mo yan! Pero paano ka makagagalaw sa mundo at mabibili gusto mo kung wala kang pera di ba? Material things make us happy. Aminin man natin or hindi. And para makamit ang mga material na bagay, kailangan natin ng pera!
- Family
- Naman! Mahal ko pamilya ko kahit yung huling family picture namin 1992 pa! Hahaha! Hindi na kailangan ng explanation nito. Mahal ko family ko and they make me happy. Mahal rin nila ko, sana napapasaya ko sila. Isama na rin natin si Prince and Kootchi sa family. Haha! Pati aso kapamilya na! Haha!
- Texts and Calls
- Sobrang bihira kasi may magtext sa phone ko. Sobrang bihira rin may tumawag. Kahapon isa lang nagtext sa kin. Haha! Masaya ko pag ganito kasi narerealize ko may nakakaalala sa kin. Unless send to all mga sinesend ng tao na quotes. Text niyo naman ako minsan ng hindi forwarded. Ang impersonal! Hahaha! Kahit "Musta na Jacob?" pwede na! Haha!
- Friends
- Lalo na pagkasama ko sila. Pagmagkakasama kami. Kahit may problema kami. Masaya ko basta kasama ko sila, tulad nina Jeffrey, Barry, Rhitz, Aubs, Tin, Deck, Sherry etc. Masaya ko kahit hindi kami nagkakakitaan at hindi nila ko maalala. Haha! Hoy! Minsan naman alalahanin niyo ko! Haha! Buti pa si Jeffrey lagi akong pinoPoke! Haha!
- Christmas and New Year
- Christmas dahil maraming gifts! Joke! I'm a kid at heart and sabi nga nila ang Pasko ay para sa mga bata! No no no! Pati sa mga tulad kong isip bata, para sa amin din ang Pasko. Masarap mamigay ng regalo. Masarap din manghinggi ng aginaldo! Haha. New Year naman kasi, parang bago lahat. Pinaparealize sa yo na pwedeng magsimula ng panibagong buhay. Though bawat araw puwede naman gawin yun, social kasi ang New Year eh. Andun yung NEW na concept eh. Marami rin eksena pagNew Year. At higit sa lahat, handaan! Haha!
- Praises
- Tulad ng "Jacob, pogi mo ngayon", "Uy, tumaba ka, bagay sa yo", "Wow, bonggang bongga ka ngayon ah!" --- mga ganun. Basta gets mo na yan Mr. T! Ngayong taon na toh, sa lahat ng pumuri sa kin, may isang nagstand out na praise: "Oo nga pala, gwapo ka kanina" --- aw! Nakaembed na ata sa utak ko yang praise na yan. Thanks! Masarap kasi yung feeling na mapupuri ka ng taong hindi mo ineexpect na pupurihin ka.
- Meeting new people
- Pero dapat mabait yung tao. Masaya to kasi parang nagkakaroon ka ng bagong kaibigan pag nakakameet ka ng mga bagong tao. Tapos naishashare mo rin sarili mo sa mga bagong tao. Pero gusto ko yung mga bagong taong magkakasundo kami. Ayoko ng mga taong nagmamaganda eh. Kasi kung ganun ka, ay di kita gagawing friend! Haha!
- Singing
- Bata pa lang ako mahilig na ko kumanta. Haha! Sino makakalimot sa Providence, Timezone, Redbox, Music 21? Isama mo pa yung sa Pioneer at Music Match. Halos ata lahat ng sikat na videokehan nakantahan ko na. Haha! Masarap kumanta. Kasi nakakapagrelease ka ng nararamdaman mo pagkumakanta ka eh. Kahit emo yung song, masaya yung feeling. Dahil nalalabas mo feelings mo indirectly. Di ba?
- Blogging
- Kasi loner na ko ngayon eh! Haha! Joke. Simula ng pinakilala ni JM ang Tabulas sa kin. I can't stop blogging. Haha! Though maraming times dati na hindi ako nag-uupdate, yun kasi yung time na ang gulo gulo ng acads ko eh. Tapos bagal pa ng internet connection nun. Pero tignan mo naman ngayon Mr. T! Lampas lampas 1000 entries ka na! I won't trade Tabulas for Wordpress or Blogger or Blogspot or whatever. Dito ko lumaki. Haha! Di to ko nag-evolve. Dito ako magboblog ulit. :-)
Ayan, shet ang haba ata. Tama si Aubrey, pwede ko sagutin toh pagbored ako sa office! Hahaha. Anyways, ang traffic kanina. Nakatulog ako sa taxi. Ay dapat pala magMRT ako kahapon kasi nabuwisit ako sa pila sa bus terminal sa the Fort. Ayun, naglakad na lang ako papuntang EDSA. Hmmm... miss ko na si Rhitz and Barry. Sige sige Mr. T! Update you in a while? Haha! Sige sige... at may bago na palang blog si Deck. Buti naman nalaman ko yung link bago naipon entries niya!
Clark Can't (guest)

=)
princesscha

o ayan, di yan text pero at least naalala kitang kamustahin.
kung nabwisit ka sa pila ng bus, baka naman mas mabwiset ka sa pila ng MRT, ahahhaha!
jjcobwebb (guest)
ay oo naisip ko rin yun.
alam mo, gusto kita mameet in person! haha!
princesscha

shet, ambabata ng mga kaibigan ko. halatang immature ako, ahhahahaha!
jjcobwebb (guest)
princesscha

jjcobwebb (guest)