Bored ako. Magboblog ako. Haha! Tama na muna pagpapakabibo dito sa opisina. Kahapon pa na nagbibibo-bibohan dito! Haha! Wala namang kaganapang kablog blog sa totoo lang. Work lang yun lang. Pero kanina, habang naglulunch ako sa Jollibee, may dalawang magjowa sa harapan ko. Lalake at babae para malinaw lang. Ang sweet nila. Eh di ba mag-isa lang ako lagi naglulunch Mr. T! Shucks, ngumingiti ako mag-isa habang pinagmamasdan ko yung magjowa. Hindi kaya akalaing baliw ako kanina nung mga crew sa Jollibee? Hahaha! Though I haven't been thinking about anything relationships lately, bigla ko natanong ang sarili ko:

"Ano kaya ang feeling ng may jowa?"

Kaasar noh? Baket ganun, college pa lang yung dalawang magjowa kanina, tapos ako grabe, lampas lampas na ang edad ko sa pagiging college eh never pa ko nagkajowa? Inis naman! Eto na naman ako! Pero napaisip talaga ako kanina Mr. T! Actually kagabi pa nung parang gulat na gulat ang aking mga new found friends sa internet na never pa ko nagkaroon ng romantic relationship. Mga common reactions nila:

"Talaga? 23 ka na tapos never pa?"

"Hindi ka naman panget baket wala ka pa rin?"

"Seryoso? Baket wala pa rin?"

Okay. Yun lang nasabi ko kagabi. Haha! Choosy ba ko Mr. T!? Hindi naman di ba? Maarte ba ko? Hindi rin naman. Nagpapakatotoo lang ako. Hindi naman ako yung taong para magkajowa lang magjojowa ako ng kung sino sino na lang. Yung for the sake na magkajowa lang? No no no. Hindi ako ganun. Eh di sana di ba ang dami ko ng X kung ganun ako. Pero hindi ako ganun. One thing I'm very sure about myself, I can't learn to love somebody. Hindi ko talaga kaya turuan sarili ko magmahal ng tao. It's either black or white. Mahal ko or di ko mahal (or yung hanggang friends na lang talaga). Hindi rin ako nagpaasa ng tao. I'll hurt them now than hurt them later kung kelan mas masakit na. Hindi ako ganun. Isa lang masasabi ko, lahat ng nanligaw sa kin before, friends kami. Hindi sila bitter sa kin dahil alam nilang from the very start nagpakatotoo ako. Pero ang tanong pa rin:

"Ano kaya ang feeling ng may jowa?"

Masaya kaya? Exciting? Inspiring? Nakakakilig? Nakakaasar? Nakakayamot? Ang dami kong tanong noh Mr. T! Parang si Little Mermaid lang nung kumakanta ng Part Of Your World. Haha! Sabay kanta "Wish I could be, part of that world... la la la...". Hala naloka na. Pero seriously, everybody gets lonely at some point in their lives. Minsan di ko naman iniisip dahil masaya ko sa family and friends ko. Minsan naman inaatake ako ng gusto-ko-magkajowa syndrome.  

Masarap gumising na makikita mo unang una sa umaga ang jowa mo. Magogood morning kayo. Sabay smile to each other. Tapos hug and kahit may morning breath pa magssmack kayo. Ang sarap siguro nung ipagluluto mo ng breakfast yung jowa mo tapos kakain kayo ng sabay. Tapos magkukwentuhan kayo na parang walang bukas. Kung pwede magsabay sa shower magsasabay kayo. Tapos magtatawanan kayo. Tapos ang sarap siguro nung feeling na hahawakan niya kamay mo at sasabihin na pabulong na "I LOVE YOU" and ikaw rin magsasabi ng "I LOVE YOU TOO". Siguro ang sarap nung feeling na may nag-iisip sa yo and may nag-aalala. Tapos itetext ka at itetext mo "UY MUSTA KA NA JAN?" or "SANA OKAY KA JAN". Ang sarap isipin noh? Tapos magpapaalam siya sa yo kung san siya pupunta. Wala kayong tinatagong sikreto sa isa't isa. Ang sarap siguro sa pakiramdam Mr. T! Tapos tanggap niya buong pagkatao mo. Tapos nagkakasundo kayo at minsan nag-iinisan sa mga bagay na hindi niyo mapagkasunduan. Pero at the end of the day, maglalambingan kayo kahit may differences kayo. Yung maoout of town kayo. Or more out of the country na kayong 2 lang. Since mahilig ako sa beach, magbebeach kayong 2 lang. Nagsisimba ng sabay. Nagdadasal ng sabay. Shopping, grocery at maglakad kung san san lang. Mga nakaw ng kiss at walang malisyang akbay. Tapos dapat tapat pa siya sa yo at tapat ka rin sa kanya. At bago matapos ang araw, siya ang unang unang tao na tatanunging kumusta ang araw mo. Pagmamasdan ang pagtakip-silim at siya ang huling taong maggoogoodnight sa yo. Tapos hanggang sa makatulog ka siya laman ng utak mo. Awwww... hay... ang sarap siguro magkajowa Mr. T! noh?

Alam ko lahat yan positive, pero kung marunong naman umunawa ang isa't isa eh lahat ng negative pwede maging positive. O di ba? Kala mo nagkajowa lang ako kung magsalita! Haha! Pagdating ng panahon. Someday. Somewhere. A place in time. Hindi man siguro ngayon. Hindi rin siguro bukas. Balang araw dadating din yun. The only thing I can do right now Mr. T! is to wait. I rarely fall in love and I've been broken several times, but I know, I'll fall in love again and again. Hanggang may puso ako, magmamahal ako :-)

Currently listening to: mga nagsasalita sa meeting sa office
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on November 25, 2008 at 04:15 PM in Everyday Drama | 12 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on November 25th, 2008 at 09:36 PM
hindi ka kasi pang short time or pang fling friend. dapat pag nakahanap ka ng jojowain mo yung pangseryosohan kasi ikaw ang lugi. i min, para naman worth it yung pagantay diba? eh girl sa panahon ngayon, extinct na ata yung ganon kaya hirap ng hanapin muwahaha.

pero hindi, tama si cha sa nobela niya.:)) pinapabongga pa ni lord yung "jowa ni jacob" hahaha o diba sayong sayo lang!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 26th, 2008 at 10:30 AM
agree ako. hahaha. gusto ko first jowa ko last jowa ko na rin. hahaha! yung forever na. pero fine walang forever. gusto ko yung magtatagal kami ng bongga, say 10 years! Haha!

ayun, hindi pa kasi kami nagmemeet ni Channing Tatum eh. Haha! Baka siya na yung ginawa ni Lord for me! Haha!
Comment posted on November 25th, 2008 at 04:54 PM
hmmm, feeling ko may karapatan akong sumagot ng tanong na yan.

tama ka sa part na masaya ang magkaroon ng jowa. yun yung positive side. pero kasi pag sinabing jowa mo na, andun na yung commitment, seryosohan na. at habang nagtatagal ang isang serious relationship, hindi na maganda.

kaya kung ako tatanungin, kung mapipigilan mo lang yung puso mo na wag mainlove, wag na lang. mas masarap maging single. yun nga lang, di natin napipigil kaya ayun. madami nasasaktan.

isa pang tama mo, hindi dapat nagjojowa for the sake lang na magka-jowa. basta dadating ang time mo. wag ka mainip. mahaba pa ang panahon. pinapayaman at pinapagwapo pa ng bongga ni lord yung ibibigay niya sayo.

o di ba? ang haba ng comment ko. at seryoso! mukhang hindi ako to, bwahahahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 25th, 2008 at 04:57 PM
parang sobra naman yung hindi na maganda. amp! Hahaha...

at at gaga ka talaga natawa na naman ako "pinapayaman at pinapagwapo pa ng bongga ni lord yung ibibigay niya sayo.". Anerva! Inis. Hahaha! Sana noh? Hahaha!
Comment posted on November 25th, 2008 at 05:03 PM
e kasi nga pag matagal na, nawawala na ang kilig. papasok na ang pagiging dependent, selos at pagka-paranoid. pero depende din yun sa magjowa. pero basta, based on experience lang yun.

nu ka ba? malay mo totoo. pampalubag loob lang yan. ganyan din sinabi nila sa kin nung nagtatanong ako bakit ako brokenhearted lagi. ahhahahha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 25th, 2008 at 05:05 PM
bonggang bongga ba ang binigay sa yo ni Lord? hahaha!
Comment posted on November 25th, 2008 at 05:36 PM
bongga lang. hinding bonggang bongga. pero binigya ni lord yung kailangan ko ngayon. ang showbiz ng sagot! ahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 25th, 2008 at 05:39 PM
at least bongga. hahaha. pag love mo naman bongga kahit hindi bongga eh. aminin mo yan! haha!
Comment posted on November 25th, 2008 at 05:47 PM
totoo yan!! kaya kahit hindi siya gwapo, gwapo siya sa paningin ko. walang pakelaman, ahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 25th, 2008 at 05:56 PM
agree ako jan! apir! haha!
Comment posted on November 25th, 2008 at 04:40 PM
paano mo masasagot ang tanong mo kung hindi mo susubukan. pero trip ko yung last line mo "habang may puso ako magmamahal ako" cliche pero effective.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 25th, 2008 at 04:45 PM
sabi ko nga, someday. somewhere chenes chenes. hindi ko naman sinabing hindi ko susubukan. hindi rin naman ako nagmamadali :-)