Harbor
Okay Mr. T! Buhay ako! Wag ka mag-alala. Marami lang akong inayos kahapon kaya nakalimutan kita. Anyways, kadadalaw lang ng L.O. ko na si Sir Ona. At grabe, sabi ni Sir Mikko may issue ako sa pagiging absent! Aba! Once lang naman ako umabsent ng hindi nagpaalam ha! Hmmm... so yun. Masakit ulo ko actually Mr. T! Hindi ko alam baket. At kanina, papuntang HSBC, hinatid ako ni Ate and Mama! Wow grabe! Preschool? Haha! Ang lakas ng ulan kanina Mr. T! Grabe, kita dito sa building. Actually wala ng kita dahil sobrang lakas ng ulan and puros color white na lang makikita mo. Hmmm... ano pa ba, yun lang muna Mr. T! Dumaan lang ako dahil marami pa kong gagawin. Tapos meeting pa mamayang 8pm sa Megamall with thesis groupmates. And yes, pumasa na si Barry sa thesis nila! Yey! Congrats Barrihanna!! Haha! Sige sige yan na muna Mr. T! Wala pa ko sa mood mag-update. Dumaan lang ako para magparamdam.
Anyways, kuwento kahapon habang nanonood ng The Buzz kasama si Mama:
Jacob : Ay, si Aiza Marquez yung nagpakasal sa tibo!
Mama : Sos, parang tanga, ginagawan pa ng issue yan. Tanggap na naman yan ngayon.
Jacob : Wow! So pag nagpakasal ako sa lalake tanggap mo na rin? Haha!
Mama : Baket hindi! Basta ba mahal ka nung lalakeng pakakasalan mo at masaya kayo
Jacob : Ma? May sakit ka?
Mama : Eh yun naman gusto mo eh. Kung san ka sasaya. Wag ka lang magpapaloko sa mga lalake
Jacob : Ay, may ganun! Inay, baket ang drama mo? Haha!
Mama : Gago! Hugasan mo pinagmeriendahan mo!
Napaisip ako bigla sa sinabi ng nanay ko kahapon Mr. T! May advantage din pala ang pagiging out sa family. Kung iisipin, at the end of the day, kahit anong galit kin ng magulang ko nung nalaman nila na bading ako, hindi maiaalis ang katotohanan na anak pa rin nila ako and magulang ko sila. Bugso lang siguro ng damdamin yung naramdaman nila nung nalaman nila na isa akong darna. Time heals all wounds nga kung baga. Anu ma't ano mang mangyari, isa pa rin kaming pamilya. Alam ko na mahal nila ko despite of. Mahal ko rin sila. Mahal na mahal ko sila. :-)
At san ka nakakita ng kuya na hinahanapan ng boyfriend na kano ang nakababata niyang kapatid na lalaki? Haha! Kuya ko lang! Haha! May sayad din kuya ko amp!
At san ka nakakita ng tatay na binibilhan ng Mariah Carey DVD ang kanyang anak na lalaki? Tatay ko lang! Haha! :-) amp!
San ka nakakita ng nanay at ate na pagnakakita ng poging dumaan, titigaan ka at sasabihin, HOY HAKOB ANG POGI OH! Wala! Nanay at ate ko lang! Hahaha!
At san ka nakakita ng bunsong lalaking kapatid na magkukuwento ng kalandian ng bakla niyang prof sa kuya niya? Wala! Kapatid ko lang! Hahaha! Potek! Haha!
Ayan medyo sumaya ko. Ganyan pamilya ko. Haha! Sige sige, pota napadaldal ako. At at, ako pala nangongolekta ng mga code names and wish list ng mga tao dito sa office. Ako gagawa ng palabunutan. Haha! Saya saya! Sige Mr. T! Update you soon! :-)
Aubrey (guest)
grabe tingnan mo yan, kulang na lang ipagkasundo kang ikasal sa isang lalaki sa sobrang suporta ng pamilya mo. yun nga lang nasan ang lalaking yon..?
princesscha

jjcobwebb (guest)