Chris
A brief flashback:
- Trinoma With Chris Pt. 5
- Trinoma With Chris Pt. 4
- Trinoma With Chris Pt. 3
- Trinoma With Chris Pt. 2
- Trinoma With Chris
I remember Rhitz and I were talking in La Union last summer about Chris. I was telling him about Chris. Kung gaano ko kamahal si Chris. Our conversation went like this:
“Hanggang kelan mo kaya maghintay”
“Hanggang sabihin niyang friends na lang talaga kami. Na hanggang dun na lang talaga.”
“Eh di itanong mo na.”
“Never niyang sinagot yan. He won’t answer. He can’t even speak”
“Grabe naman”
“Kung wala pa rin nangyari hanggang birthday ko. I’m through”
That conversation was 7 months ago Mr. T! Oo, mahal ko si Chris. Ilang beses ko ng sinabi yan dito sa blog ko. Hindi ako ang kailangan ni Chris Mr. T! I’ll never be the one he needs. One day magkakabalikan sila ni Fred and I’ll be happy. Super happy. Ganun naman nagsimula yun. May BF siya nun. I wanted to love him nung kinukwentuhan niya ko kung paano na lang siya tratuhin ng BF niya nun. I held on. Pinakita ko sa kanya na mahal ko siya. Pero hindi ko alam baket may isang beses nasakal siya. All I was trying to do was to love him. Inintindi ko lahat. Tanggap ko buong pagkatao niya. Hindi lang yung strengths niya, I embraced all his faults and weakness. Dahil kung wala siya nung mga yun, hindi siya si Chris. Hindi ko siya mamahalin.
Pero ang tanong talaga, baket ba minahal ko si Chris? Hindi ko masyadong pinag-iisipan yan nun Mr. T! Dahil ang alam ko pag may dahilan ka baket mo mahal ang isang tao, hindi mo tunay na mahal yun. Pero sige susubukan ko bigyan ng rationalization baket mahal ko si Chris.
Aaminin ko, unexpected nung dumating si Chris. I was browsing my blog and saw a comment from him. I tried searching him in the internet. Ayun, exchange numbers, YM and we met up. Alam ko kung anong katayuaan ko nun, may BF siya nun. I wanted to be friends with him. And we did. We clicked. Until nagbreak sila ng BF niya. Una niya kong sinabihan. Of course I felt sad dahil malungkot si Chris nun. Gusto ko magkaayos sila nun. Pero masaya ko dahil alam mong may chance na dumating. Hindi ko makakalimutan yung tinext ni Chris nun after a Spongebob quote “Ayan, break na kami ng jowa ko. Masaya ka na?”. I won’t forget that text message. Anyways, maraming beses ang dumating nagbonding kami ni Chris. Nagkasama kung san san. Nagkulitan. Nagharutan. Nagusap. Naalala ko nung muntik na akong mahold-up, we offered to go with me sa school para mag-enrol. Sige, nagpasama ko. That’s when I knew, gusto ko si Chris. Mahal ko si Chris. No guy has ever done that to me. Nakakagulat Mr. T! dahil wala sa personality niya yun. Iba kasi si Chris. Tahimik lang siya. He doesn’t talk much. His actions show. Matutunaw ka na lang pagmay ginawa siya something for you. Kaya mahal ko siya. Minahal ko siya.
Aminin man or hindi ni Chris Mr. T!, he’s also fragile. Kaya ko siya nagustuhan. He won’t admit it pero it shows. Hindi lang talaga siya masalita. Chris changed me a lot. Binalik niya ko sa real world. Inalis niya utak ko sa mga fantasies ko. Pero you know what Mr. T! I learned to embrace both reality and fantasy dahil kay Chris. Reality dahil hindi siya sa kin, fantasy dahil sana akin siya. Wala kong pinatos na lalake ngayong taon na toh, kasi gusto ko ipakita kay Chris na siya lang gusto ko. I guess hindi niya nakita yun. At parang mas tumagal pa relasyon namin kesa nung X niya.
Okay, aminin ko na, I’ve always wanted someone taller, fair skinned, yung ipagdadrive ako and siyempre lahat ng guni guni traits ng ideal jowa. Natutunan ko kay Chris na kahit ni isa dun sa mga gusto ko sa isang lalake eh hindi present, puwede maging masaya. Puwede akong magmahal ng totoo. Puwede ako maniwala na hindi ako superficial. Hindi gwapo si Chris Mr. T! sinabi ko yan sa kanya, hindi maganda katawan ni Chris, I’m even taller than Chris. And ang panget pa ng boses niya sa phone tunog karpintero. Pero, natutunan ko mahalin kung ano yung nasa loob ng puso ni Chris. Napatunayan kong what’s essential is invisible to the eye. Hindi panget si Chris ha! He’s cute. Pero alam mo yun, kung physical pagbabasehan ko ng pagmamahal ko sa kanya, hindi ko siya mamahalin. I’ve had hotter guys kiss my feet pero si Chris pa rin gusto ko. Mahal ko. Minahal ko. Nag-iiba ang anyo ng tao, kumukulubot, nagsasag, pumapanget. Pero what will stand the test of time eh yung pagkatao ni isang tao. Kaya mahal ko si Chris. Minahal ko si Chris. Hindi kung sa anong meron siya, kung hindi kung ano yung buo niyang pagkatao. Natutunan kong magmahal ulit.
Mabait si Chris. Thoughtful si Chris. Masaya kasama si Chris. Actions speak louder than words, applicable kay Chris. Understanding si Chris. Nakakatawa si Chris. Napapatawa ako ni Chris. Caring si Chris. Matalino si Chris. Masipag si Chris. Matakaw si Chris. Gago si Chris. Tang ina si Chris. Pathetic si Chris. Cowboy si Chris. Nawawala si Chris. Lutang si Chris. Sira ulo si Chris. Galante si Chris. Fragile si Chris. Minahal ako ni Chris. Totoong tao si Chris. Pero higit sa lahat, mahal ko si Chris Mr. T!
Sa pagtatapos ng araw. I just have to embrace all they mysteries that life’s gonna give me. Magmamahal ako ulit that’s for sure. Pero sisiguraduhin ko na yung magmamahal sa kin, kaya gawin yung ginawa ko for Chris. Kaya maghintay for me ng i-don’t-know-how-long period. Kasi kung kaya ko yun, nagawa ko yun, dapat kaya rin nung magmamahal sa kin na gawin yun. And if he can’t, he’s not worth it. He’ll never be worth it. Friends have told me that hindi nila kaya maghintay ng ginawa kong paghihintay, sorry, they don’t know Chris. And hanggang dito na lang kami ni Chris Mr. T! Hindi man naging kami, at hindi na talaga magiging kami, hindi ibig sabihin nun hindi ko mahal si Chris. Mahal ko si Chris. May lugar na siya sa puso ko. Sana lagi na lang siyang masaya. I’ll never forget him, minsan sa buhay ko may nakilala akong Chris L. Okay na ko dun. :-)
Anways, I’ll never forget these:
Pinakamasasayang araw ng taon ko yan Mr. T! Thank you Zhouls. :-)
Aubrey (guest)
GHV2 (guest)
Kaya mo yan. Love will lead the way.
muhh (guest)

that, and, correction: LAHAT nagbabago. no exceptions.
jong

pero kung wala na talaga, it's time to move on. ganun talaga eh.. marami pang iba dyan, who knows baka "mas" pa kay chris. daba?!