Near Death Experiences
Got tagged by Aubrey! Fine fine! Gagawin ko na! Hindi pa ko inaantok eh and wala na rin akong kaYM. Actually ang dami ko ng NDE eh. Hmmm... share natin yung kay Aubrey na kasama ako rin mamaya.
Pwede ko ba isama yung sinabihan ako ng nanay ko na dapat ipalalaglag ako noong nabuo ako? Near death experience din naman yun di ba? Hindi nagjojoke nanay ko nun. Totoo yun. Kasi sabi niya nag-away sila nung tatay ko nung sinabi niyang ipalalaglag ako eh. Iiwan daw siya ng tatay ko pagpinalaglag ako. At ang daldal ko. Tsk tsk! Okay lang yun. Blog ko toh! Walang may pake. So yun ang kauna-unahang near death experience ko. Wala akong kalaban laban.
Sunod, mga 5 years old ata ko. Vivid pa rin sa utak ko yung time na muntik muntik ako masagasaan sa N. Domingo. Iniwan kasi ako ng mga pinsan ko nun, sa kalsada. Sabi maghintay ako. Tumawid sila. Grabe, makulit na ko nung bata ako, tumakbo ko patawid. Ang huli kong naalala nun malalakas na busina. Pagkagising ko, nakahiga na lang ako sa kama.
Tsk! Marami akong muntik mabundol moments pero eto, mas malala pa sa nabanggit ni Aubrey pero share na rin natin sinabi ni Aubs sa blog niya:
"so one time sa may Pedro Gil, bumaba kami ng Jeep. bukod sa alanganin yung binabaan namin, hindi pa STOP yung mga sasakyan. guess what? tumawid pa rin kami. at sa kabilisan ng karma, nalaglag yung cellphone ni Tin, as in natanggal yung case at battery! syempre mega pulot ang drama namin hahaha! buti na lang walang masyadong sasakyan, at walang BUS na dumaan! ang natatandaan ko na lang eh na-combo kami ng mura ni Jacob non habang tawang-tawa kami HAHAHAHAHA! sobrang natense ata!"
Mas malala kasi yung alalang alala ko at talagang muntik ko na ikamatay na bundol moments. May isa pa mamaya.
Sunod, nung mga 7 years old ata ako. Nalaglag ako sa imburnal. May ginagawa kasing townhouse sa harap ng bahay namin nun. Loner ako nung bata. Onti lang kalaro ko. So lumabas ako mag-isa tapos may nakita akong parang pool. Actually hindi siya imburnal, parang hinukay na malalim tas may laman na tubig. Naglaro ako ng toy boats. Sa huling pagkakaalala ko, nasa ilalim na ko ng imburnal na sobrang lalim at may tumulong sa king karpintero nung townhouse. Grabe, ang dami kong nainom na tubig nun. Malaki utang na loob ko sa karpintero na yun.
This year lang, nung nag 45 degrees yung van na sinakyan naming papuntang Subic. Kala ko talaga tataoob na yung van. Grabe yun. Kala ko katapusan na namin. Buti na lang talaga, may anghel pa kami. Talagang nakta ko yung ulap sa kabilang bintana ng van. Kala ko the end na naming lahat ng nakasakay sa van.
Eto nung third year high school lang. Nung naospital ako dahil sa amoebiasis. Grabe, sobrang sakit ng tiyan ko nun. Mata ko lubog na lubog na. Wala na kong maisuka or maitae nun. Dehydrated na ko. The next thing I knew nakadextrose na ko nun. Iba pa to nung nasopital ako nung grade 6 dahil sa tiyan din. Hay...
Eto ang walang tatalo. Galing akong drugstore, nagbantay sa San Juan. Kababa ko lang ng jeep. Hindi ko talaga nakita yung TRUCK na humaharurot. As in. Ang laki niya. Yung tipong mapipisat ka pag nabundol ka nun. Grabe, naiyak ako nung nakatawid ako nung buhay nun dahil sa sobrang kaba. Hindi ko talaga nakita yung truck. Naalala ko sobrang bilis niya. Ako napatakbo rin ng sobrang bilis nun. Iniisip ko nga eh kung paano sa pagtawid ko may kotse din pala nun sa kabilang lane di ba? Nabundol din ako nun di ba? Naiyak talaga ko nun sa sobrang takot at kaba. Hay, salamat sa Diyos at buhay pa rin ako. At kung may paraan kung paano ako mamatay, most likely, by bundol. And I'm not joking. Pero alam kong malakas ako kay God. Liligtas ako ng isang daang anghel para magbago pa ko ng ugali. Haha!
Actually marami talaga about bundol moments pero yan ang mga PINAKA talaga. Kung gusto niyo mabasa about may almost bundol moments, eto oh: 9 Lives. 2006 entry ko yan.
O ayan. KJ ako, di ako mahilig magTAG. Hahah! Kung sino gusto maglagay sa mga blog nila go go go na lang. Ayan Aubrey! Sige sige tulog na ko! :-)