10 days to go and it's my birthday. I've been blogging my thoughts and feelings here on Tabulas during my birthdays for the past 4 years now. And it's really funny when you try to read those entries. And and, there's really one common theme my entries talk about on my birthdays Mr. T! Figure it out. Here are some snippets of my past birthday entries. Hahaha!

2004
"Hay... all i can say is... goodbye 18, 19 here I come, sana mas marami pang magagandang bagay ang mangyari ngayong 19 years old ako! Wish ko lang lagi akong masaya, malusog at inspired... ehehe... sana magkaroon na rin ako ng lovelife! bwahahah.... sige sige... write to you soon! mwah!

2005
"Thank you GOD! 20 years na kong buhay sa mundo! Thank you sa family ko, sa mga kaibigan ko, mga minahal ko at nagmahal sa kin, sa mga naging classmates ko, blockmates at ka-org at lahat ng taong naging parte ng buhay ko kahit si MARIAH na din... maraming salamat for being a part of my life. Thank you sa lahat... thanks thanks thanks..."

2006 --- wala akong entry dahil nag-away kami ng nanay ko umaga pa lang nung birthday ko! Pero may entry ata ako before my birthday:
"My birthday is near na rin. Hay.. tatanda na naman ako... as usual walang lovelife. Anyways, masaya naman ako. "

2007
"Hmmm... ayun, wala lang gusto ko lang paalam sa iyo na birthday ko ngayon. Kahit super kaba ako sa defense para bukas, okay lang, I'll just enjoy this day. Day ko toh eh --- hahaha. Anyways, yun, marami rami na rin ang bumati sa kin this day and okay na sa kin yun. :) Ayun... update kita later... "

Kaplasitikan na yung "MASAYA NAMAN AKO"! Hahaha! Grabe ang bilis Mr. T! 9 days and 12 hours na lang birthday ko na! 23 na ko. Grabe feeling ko hindi man lang ako nagmature. Isip bata pa rin ako! Haha! Kumusta naman! Hahaha! At utang na loob, I wanna be really happy sa birthday ko. Ayoko ng kunwaring masaya lang. Hay... sana sana. :-)

At baket raw ako nakangiti tanong ni Ms. Lei ngayong lang? Hahaha! Sabi ko may naalala lang. :-)

Currently listening to: Thank God I Found You by Mariah Carey feat. Joe & 98 Degrees
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on November 6, 2008 at 11:27 AM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.