A 3AM Realization
Naalimpungatan ako kagabi or kaninang madaling araw. Around 3AM. Really, I slept around 11PM last night and this never happened before. I usually wake up around 6AM or 7AM. Naupo ako sa kama ko nung naalimpungatan ako Mr. T! Nag-isip isip ng mga kung anu-ano. Binalikan ko mga nangyari ngayong taon na toh. Napangiti na lang ako. Kung iisipin. Naging masaya ko ngayong taon. Sa mga taong nakilala ko. At higit sa lahat sa taong minahal ko ngayong taon na to.
Akala ko noon nung nasaktan ako nung unang pagkakataon, hindi na ko magmamahal muli. Kala ko tuluyan ko ng sinara ang puso ko. Akala hanggang dun na lang ako sa pagiging Jacob na ayaw ko. Nag-iba. I changed for the better. Naging iba pananaw ko. I once believed in fairy tales and happily ever afters. I was moved. I was changed. I still believed in these happily ever afters, but but, nalaman ko na ang Prince Charming nina Cinderella, Rapunzel, Snow White, Princess Fiona ay iisa. At sana naindihan mo ibig sahin ko Mr. T!
Hindi ako nagsisi sa lahat ng mga ginawa ko. Sa mga katangahan. Sa paghihintay ng matagal. Sa pagiging agressive at possessive. Sa pagiging understanding. At sa kung ano pa ginawa ko ngayong taon na toh, wala akong pinagsisihan. Masaya ko dahil minsan sa buhay ko, dumating isang taong di ko aakalaing ipadarama sa kin na mahal niya ko. Hindi ko man narinig o nabasa na mahal niya ko. Naramdaman ko Mr. T! na minahal ako nung taong minahal ko. Naramdaman ko yun. Masaya ko. Habang iniisip ko mga bagay na toh Mr. T! kaninang madaling araw, nakangiti ako. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Hindi ko nature yun. Masaya ko.
Isa siya sa pinakamatamis na bagay na nangyari sa buhay ko. Sa kung ano mang dahilan kung baket kailangang tapusin ang isang pagsasama, hindi ko alam. Siguro, oras na lang makapagsasabi kung baket. Pero kung ikasasakit lang ng puso ko ang dahilan, I'd rather not know. Natutunan ko na huwag na alamin ang mga bagay na hindi ko naman dapat malaman. Minsan kasi nasaktan na ko sa pagiging pakielamero ko.
Masaya ko. Binigay ko ang lahat ko. Buong pagkatao ko hinubad ko para sa isang taong minahal ko ngayong taon na toh. Siguro talagang hanggang dun na lang yun. Alaala. Mga masasayang alaala. Nasaktan ako oo. Halos lahat ng emosyon naramdaman ko. Pero it all felt good. Wala rin namang nawala sa kin dahil sa simula lang, wala naman akong nahawakan or pinanghawakan.
Masarap magmahal. Masarap din masaktan. Gulo ba? Oo masarap masaktan. Lalo na kung alam mong may karapatan kang masaktan. Though wala kang karapatan masaktan naman talaga dahil wala naman talagang nangyari. Pero alam mo yun, mayroon pa ring karapatan eh. Sa lahat ba ng nangyari wala lang yun? Nagyakapan kayo, naghalikan kayo, naglandian kayo, at kung anu ano pa eh wala lang yun? Binigay ko ang lahat ko. May karapatan akong masaktan kahit na alam kong hindi dapat. Okay lang naman masaktan. Ayun naman ang kapalit ng lahat ng pinag-gagawa ko eh. Di ba sabi ko sayo handa na ko sa lahat ng mga mangyayari? Wala akong pinagsisihan.
Kung meron lang akong lakas ipost yung nasulat ko nung nabasa ko mga dapat kong hindi mabasa gagawin ko Mr. T! Pero may mga bagay na dapat talagang isarili na lamang at hindi ipaalam sa iba. Some people will never understand you. Kahit anong pagpapaliwanag ang gawin mo. Hindi lahat ng tao kayang kang intindihan. Pero, alam ko, may mga taong handang umintindi para sa yo.
Isang bulaklak na natuyot bago man lang bumukadkad. Ganun. Masakit. Masaya. Masarap. Nakakainis. Nakakabuwisit. Nakakalungkot. Nakakatuwa. Lahat ng emosyon na yan, nakakaginhawa sa pakiramdam. Nung sinabi kong hindi ako maglelet go, tinotoo ko yun. Ni isang segundo hindi ako bumitaw. Pero ako ang binitawan. Ako ang pinakawalan. Naalala ko tuloy bigla dati mga sinabi niya Mr. T! na he doesn't let go. Na he will never let go of the love this person had back then. Pero mahilig siya bumitiw. Tama talaga yun kasabihan na yung magkaparehas na taong nakilala mo ngayon, eh iba sa taong makikilala mo bukas. Naging masaya ko yun lang masasabi ko. Salamat.
Masakit kung iisipin Mr. T! Pero sa kabila ng lahat. It's all worth it. Masasabi ko na minsan, sa buhay ko, may nagmahal sa kin. Hindi ako nag-aassume dahil maramdaman ko yun. Naramdaman ko yun. Masaya ako dahil nakilala ko siya. Kung mawawala man ako sa mundo ngayon, okay na rin dahil nakilala ko siya, kesa mabuhay ng sandaang taong di ko siya nakilala Mr. T! I'm happy na minsan sa buhay ko, pinagtagpo ni God landas namin. I should be super thankful kahit hindi nangyari mga gusto ko mangyari.
Sa dami ng pagninilay nilay ko kaninang madaling araw, hindi kayang salaminin ng mga nasulat kong ito ang mga iyon. Niyakap ko unan ko. Sinubukang matulog ulit. I was smiling nung sinusubukan kong matulog ulit. Nakangiti kasi masaya ko. Tulad nga sa kanta "You'll always be a part of me no matter what you do..." :-) Salamat.
muhh (guest)

at anong kanta yun? kinanta ko sa isip ko always be my baby, kaso, nabongkang ako sa no matter what you do.
jjcobwebb (guest)
ahhh... FOR THE RECORD ni Mariah. Search mo. Hahaha! Marami siyang binanggit na lines dun from her other songs. :-)
ryanini

jjcobwebb (guest)
Anonymous (guest)
hahahaha, parang nakiblog lang ako sa comment ko.. hahahaha..
we haven't talked for a long while! yung lunch natin sa makati, never ng natuloy. hahaha.
: o )
GHV2 (guest)
jjcobwebb (guest)