Mass ng gabi as usual. Parang Biyernes Santo mga mukha ng tao sa bahay. Kailangang masanay na wala na talaga si Spike. Pagkauwi, nag-online, YM:

"Jacob, I'm lost"

"Lost? Saan?"

"After college..."

"Huh?"

"Hindi ko alam gagawin ko after college"

"Sino bang may alam?"

Iniisip ko yan hanggang ngayon Mr. T! Kung ano ang gusto kong maging. Hindi kapag paglaki ko eh, kasi malaki na ko. Nung bata ako, gusto ko maging doktor. Seryoso yun. Gusto ko makatulong sa mga may sakit. Pero narealize ko hindi pala ko matalino para makapagdoktor. Hindi kami ganun kayaman. Hindi na rin siguro ako pag-aaralin kung naaisin ko pang magdoktor. Habang nagsidaanan ang panahon, naiba iba ang gusto ko maging. Gusto ko maging singer nun. Pero sa dami ng magaling kumanta, paano na lang kaya ako sisikat. Bawat singing contest na ata sa TV nun pinilahan ko. Sa kasamaang palad. Lagi akong sumasablay sa huling screening. Pero masaya na rin dahil may mga nakilalang kaibigan habang nakapila. At least masasabi kong na experience ko yun. Ninais ko rin maging cosmetic surgeon. Pero tulad nga ng nasabi ko, mahal maging doctor ngayon. Baka palayasin na ko ng magulang.

San nga ba ako mapupunta after college? Sa bahay? Bum? Sa isang kompanya kung san ako empleyado? Or magtatayo ako ng sarili kong company kung san ako ang boss? Malabo ang hinaharap. Kahit ako biglang napaisip sa tinanong ng kaibigan ko. Pero ang alam ko isa isang hakbang muna bago makatungo sa paroroonan di ba? Hindi naman agad agad nakakapunta sa isang lugar ng andun ka na. Siguro sipag lang luck ang magdadala sa kin kung san ko gusto makapunta. Pero kung sino ang may tunay na alam kung anong mangyayari sa kin after college, Diyos lang talaga.

Minsan iiniisip ko, magiging successful din naman siguro ako dahil nakita ko sa mga kapatid ko na naging successful sila sa mga pinili nilang pamumuhay. Pero, iba ang guhit ng palad ni Pedro kay Juan. Pero, I still look and will always look on the brighter side. Kung pafuck-up-an lang ng buhay noon, mas fucked up mga buhay ng kapatid ko kesa sa kin ngayon. Kung alam mo lang nakaraan ng pamilya namin. Baka mag-isip ka kung baket sa kabila ng lahat sobrang positibo pa rin ang paningin ko sa buhay. Madilim. Nakakahiya. Nakakaeskandalo. Nakakalungkot.

May isa kong kaibigan, napagkuwentuhan ko ng buhay ko. Buhay ng pamilya namin noon. Nagulat siya kung baket sa lahat ng nangyari sa pamilya namin eh hindi man lang ako natinag. May iba raw diyan nagigin rebelde sa ganoong sitwasyon. Baket parang bata pa rin pananaw ko sa lahat. Baket makulay pa rin ako mag-isip. Sa totoo lang Mr. T!, hindi ako tunay na makulay mag-isip. Sa ilalim ng mga kulay kasi na yun eh itim at abo talaga ang nakatago. I want everything to turn out well kahit na alam kong hindi talaga kayang mangyari mga gusto ko mangyari. It's not sugar coating, it's being positive siguro. Ayoko ng mga negative things, kahit na alam ko yun ang mga nakapaligid sa kin. I wasn't a kid for a long time. Yung utak ko naging pangmatanda agad. Dahil sa paligid ko yun. Kung alam mo lang Mr. T! Kaya ngayon, I want to think like a child. Kahit alam kong there are madness around me. And there will always be. Choice talaga ng tao maging masaya. At choice din nila magmukmok at mabuhay sa nakaraan. Pero alam mo yun, sisikat at sisikat ang araw eh, we just have to continue living our lives na parang walang nangyari. Ganun lang naman buhay eh, hindi kailangang gawing complikado. Dahil bukas buhay ka pa rin. Habang buhay may pag-asa. Unless magpakamatay ka. Hindi naman ako ganun kadesperado.  

Our family's current situation didn't happen overnight. Nagkaroon muna talaga ng mga bangungot at kung ano ano bago naging at sumaayos lahat. Still, I didn't grow weary. Nastuck ata ako sa pantasya at kung anu ano. Yun ako nun, hanggang ngayon ganun pa rin ako. Siguro when I'm already in my 30's, ganito pa rin pananaw ko.

Siguro nawawala ako ngayon Mr. T! Pero isang araw, siguro pagkagising ko, alam ko na kung nasaan ako. Malalaman ko na kung anong daan ang susundin ko. We're all lost. It's just a matter of finding or figuring out which way to go. Hindi kailangan lagi mag-emote dahil walang mangyayari sa pag-eemote. Bida lahat tayo sa mga buhay natin. Sadly, may mga taong kotra bida sa mga sarili nilang buhay.

Ewan ko kung may sense tong pinagsasabi ko Mr. T! Pero ayun, gusto ko man ikwento family history ko, wala na sa lugar. Hindi pang-internet yun. Sa amin na lang ng pamilya ko yun at sa mga piling tao. Everything will fall into place with time. In time. Somewhere in time.

Isa pa, nasaktan na rin naman ako. Maraming beses na Mr. T! Kaya walang karapatan kahit sino magsabi na hindi pa ko nasasaktan kaya ganun pa rin paningin ko sa mga bagay bagay. Marami ng nakasakit sa kin. Ilang beses na kong umiyak. Nasaktan na ko. At kahit ilang beses ako masaktan, hindi ako susukong maniwala na sa kabila ng bawat luha at hikbi, may naghihintay na tunay na kaligayahan. Shucks parang bastos. Haha! Pero ganun ako. Ika nga ng kanta, "there's a rainbow always after rain..."

Sige, wala na sa  hulog pinagsusulat ko Mr. T! Wala na rin ako sa lugar. Tulog na ko! Good night! :-)

Currently listening to: silence
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 3, 2008 at 01:29 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

cleotie (guest)

Comment posted on November 4th, 2008 at 04:41 AM
QLC kicking in.. :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 4th, 2008 at 08:42 AM
QLC?