Adhesions
Tamang tama pagkauwi ko papunta sina Mama sa St. Luke's para dalawin si Ate. Ayun, naawa ako kanina kay Ate ko kasi naiiyak na siya sa sakit ng tiyan na. Nagdasal kami sa room kanina. Bihira umiyak si Ate eh. Pero kanina Mr. T! Naawa ako. :-( Pag di pa raw umayos tiyan niya baka isa na namang operation ang gawin. Natatakot ako para kay Ate. Siguro normal ang matakot dahil kakaoperation niya pa lang. :-(
Pagkauwi na pagkauwi ko, nilook up ko agad kung ano yung sinasabing cause kung baket masakit tiyan ni Ate. Eto: Digestive Facts - Adhesions. Medyo parang nabutan ako ng tinik siyempre malikot utak ko. Kung anu-ano naiisip ko. Kung iintindihin kasi normal lang naman daw yun. Sana Mr. T! Sana. Ipagdadasal ko muna sa ngayon si Ate. Namin. Alam ko naman andiyan si Lord. Tutulong siya. Alam namin yun. :-)
Anyways, pagod na ko Mr. T! I need some rest. Bukas na lang kuwento about mga nangyari sa office. Nalungkot lang ako and natakot ngayon. Kanina. Pero alam ko, magiging okay rin ang lahat. I know it will. I know it will. The Lord is there.
the_storyteller
