Dad’s With Chris
Hello Mr. T! Kagagaling ko lang sa unit ni Chris. Dun ako natulog since patay na naman ako kagabi sa nanay ko kung naabutan niya kong pauwi pa lang dis-oras ng gabi. Anyways, late din nakauwi si Chris kahapon so nagsabay na naman kami pauwi. Yep, sabay na naman. Sweet namin noh? Pero hindi na ko kinikilig. Saya na lang nararamdaman ko. So yun, this time ako naman pinapunta niya sa place kung san siya nagwowork. Sa McKinley Hill. Grabe, sumakay ako ng jeep at lumampas pa yung jeep na sinakyan ko. Ang dilim ng nilakaran ko Mr. T! Natakot ako kasi baka may mga masasamang loob. Pero buti na lang wala. Nagkita kami ni Chris sa McKinley Hill. Hindi ako galit or whatever. Napagod at natakot lang ako. Hindi rin mainit ulo ko. Nainis lang talaga ako sa jeepney driver. So yun, wala kaming maisip kaninan sabi ni Chris umuwi na lang daw kami. Tapos nagbus. Kinalaunan, sa Ayala rin nababa.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
I really wanted to have Sashimi. Ayun, sa Dad’s kami kumain. Okay na rin siguro yun 580php per head. Solve naman ako. Si Chris din siguro naman nasolve.Tapos yun, parang patay gutom lang kami. Katabing table pa namin puros bading. Saw some college friends. Then naglakad lakad kami ni Chris sa Ayala. Una sa McDo kaso haba ng pila. Gusto kasi ni Chris magCoke. Tapos nilakad namin til MiniStop yung kaharap ng GB5. Then dun siya bumili ng Coke niya. Tapos, nagwait ng cab sa G3 na parang forever kami nagwait sa katagalan. Bumaba kami ng Cubao. Then ako sumunod kay Chris nung galit na galit nanay ko. Anyways, woke up early since may aayusin pa si Chris kanina sa DFA. So yun then umuwi and ngayon nag-uupdate. Sige sige, update you soon Mr. T! Okay? :-)