Picture Ng X
Tapos na trabaho pero andito pa rin ako naghihintay ng 6pm. May kainan mamaya somewhere near dahil post birthday celebration ni Matthew. Hay... anyways, nakikipagtext ako sa isang friend ko the whole afternoon and ganito ang aming topic:
Friend : Jacob grabe may kukuwento ako sa yo...
Jacob : Ano yun?
Friend : Kinalkal ko kanina cellphone ng BF ko
Jacob : O tapos?
Friend : Nakita kong may picture yung ex niya dun...
Jacob : O? Picture lang naman pala eh...
Friend : Baket kailangan may picture yung ex niya dun?
Jacob : Malay mo friends sila or remembrance di ba?
Friend : Ang sakit grabe Jacob kung alam mo lang...
Jacob : Wait, ano bang itsura nung ex niya?
Friend : Okay lang naman.
Jacob : Ganito na lang, kung feeling mo mas pogi sa yo ex niya, ikibit-balikat mo na lang. Pero kung mas pogi ka sa ex niya, naku tawanan mo na lang! Hahaha...
Friend : Pero sakit pa rin eh...
Jacob : At kung mas pogi ka, sabihin mo "Wow sweet mo naman may picture ka ng aso mo sa cellphone mo! Hahahah..."
Friend : Sira ka talaga kahit kelan!
Jacob : Puta ka! Wag ka masyadong paapekto, picture lang naman yun walang magagawa yun. Mabaliw ka pag-nakita mong nakapatong bf mo sa ex niya! Hahaha...
Friend : May point ka...
Di ba di ba? Daming ginawa pero buti natapos ko na pinagawa ni Ms. Lyn, Ms. Diane and Ms. Jen. Oh di ba? Galing galing ko? Update you soon Mr. T!