Natuwa ang aking nana at sinabihan ako ng "Puwede ka ng mag-asawa!". Yay! Sino naman gagawin kong asawa haller naman sa nanay ko!!! Hahaha... inaabuso ang talent ko sa pagluluto palagi. Walang New Year at Paskong dumaan na ako ang nagluluto nag Spaghetti! Hahahaha! Shucks, nalala ko tuloy Mr. T! yung Putanesca na ginawa namin dati ni Mama. Hahaha... isip kami ng isip kung ano yung "Achovies" nun eh yun kasi nakalagay sa cookbook! Ampota! Dilis lang pala yun! Shet ang mahal pa nung binili naming in-can na dilis! Hahaha... shucks! Ang funny!

Kung mayaman lang kami para mag-aaral ako na Culinary Arts! Hahaha... tapos magpapakahot ako at igueguest sa Hot Guys Who Cook! Hahaha... at baket parang wala na sa ETC yang palabas na yan? Hmmm...

Anyways, tumambay lang sa bahay the whole day. Pinasasama ako kanina nina Mama and Ate sa Divisoria. Hindi ako sumama dahil alam kong pagbubuhatin lang ako ng mga bibilhin nilang kalat dun. So yun, natulog and kagigising ko lang kani-kanina.

Ang eyebags ko parang lumalala simula nung nagOJT ako sa HSBC :-(. Hay... paano na ang pangarap kong maging hot kung maleta na mga bags ko sa mata! Hahaha... anyways, dapat rin pupunta ko school dahil andun sina Aubs and Deck, as usual tinamad! Umulan ulan pa kanina.

Kanina pa ko nood ng nood sa Youtube ng Mariah shete! Hindi nagsasawa! Pati mga parody pinanood ko na. And, yung video na kasama dito sa entry na toh. Sobra akong naaliw! As in tawa ko ng tawa mag-isa kanina! Hahaha... shete! Sorry pero alam mo namang masayahin ako! Hahaha…

May Ugly Betty Season 3 premiere na pala. Nonood ako bago matulog ngayon.

Baket ang sarap matulog?

Anyways, yun lang Mr. T! Update you soon okay?

Currently listening to: What's Going On by Marvin Gaye
Currently reading: Barry's YM
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on September 27, 2008 at 11:59 AM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.