What Will I Do?
Hindi ako makatulog Mr. T! Weird. Iniisip ko talaga yung offer ng MSI na dun ako magOJT sa kanila. Kaso, nakapagsimula na ko sa HSBC and nakakahiya naman kay Sir Miko kung hindi na ko tutuloy. Iniisip ko rin ang hirap magcommute sa papuntang The Fort! Kung araw araw kong gagawin yun baka magbreak-down talaga ko! Iniisip ko pa lang yung MRT sa Cubao pag-umaga eh nakakahimatay na! Tapos yung pauwi sa Ayala mas lalong nakakahimatay! Baka makauwi ako nito ng 8:30pm sa bahay. Baka makalimutan ko na kung sino ko! Yung MSI naman, sa Libis lang kaya effortless. Wah... nag-absent na ko kahapon sa HSBC and baka pagalitan na ko pag-umabsent pa ko sa Monday. I need to make up my mind quick! And dami pang dapat ayusin with Ms. Lisa. :( Ahhhhhhhh... feeling ko kanina magkakaheart attack ako grabe sa dami ng dapat gawin! Kasi baket ba ako isip ng isip! Dapat tinanggap ko na lang kasi yung sa Globe or yung sa PLDT! Ano ba yan! Ngayong kailangan ko sila nasaan sila? Wahhh... ang layo ng The Fort!!!! Hmmm... sana mag-invite sina Barry lumabas mamaya...
P.S. Kung hinahanap mo yung entry ko kahapon Mr. T!, it's on my new blog! Yey! Nagreready na kong layasan ka Mr. T! Masyado na kasi tayong close! Joke! Hahaha...