Si Lawrence kasi nagpakuwento kagabi ng kung anu-ano. Naalala ko meron akong entry dati na nasave ko lang sa Notepad na never kong napost sa blog ko. Naghalungkat na naman ako ng mga CD na naburn ko. Hindi ako ganun kabold magpost ng kung anu-ano noon dito sa blog. Hindi ko rin nagawang Private Entry toh dahil hindi ko alam kung baket. May mga tinanggal akong parte. Hehehe! Eto na Mr. T! Masisilayan na siya ng mundo:

LTO Makati
Created: January 19, 2005

Sobrang nakakapagod tong araw na toh Mr. Tabulas!!! Sinundo niya ko sa school ngayon. Nagpapasama mapaparenew siya nung sticker sa kotse. 2005 na pala kasi and yung sticker niya sa kotse 2004 pa. Sa may SOUTH GATE niya ko sinundo. From TAFT dumiretso kami sa  MAKATI. Dumaan muna sa condo niya para makapagbihis at makakuha mga papeles niya para sa pagrerenew. Habang naliligo at nag-aayos siya, nanonood muna ako ng TV. So pagtapos niya mag-ayos, sabi niya dalhin muna namin yung mga labahan niya sa laundry shop malapit sa condo niya. So dinala namin. Nagkotse na kami papunta sa laundry shop kahi ang lapit lapit lang nung labashan. Hindi pa ko naglulunch grabe. Nafeel niya ata gutom na ko. So sabi niya kain muna kami. Ako pinapipili niya ng pagkain pero ayaw ko talaga mag-isip. Since  nasa harap na kami sa GREENBELT 1, nagpark kami dun. Sa MAX’S kami kumain. Dami niyang inorder. Hahahaha… para sa kin daw lahat yun at ubusin ko raw. Sobrang busog ako grabe… tapos… umikot muna kami sa GREENBELT 1 tapos may binili siyang libro sa NATIONAL BOOKSTORE dun. Pinalinisan niya nga pala muna yung kotse niya bago kami tumuloy sa LTO. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan nung nagpapalinis siya ng kotse.Then, ayun, tumuloy na kami sa mga LTO MAKATI. Ang init grabe. Tanghaling tapat kanina. Sabi niya maghintay na lang ako sa loob ng kotse. Pero sabi ko… sayang ang gas at okay lang din sa kin maghintay sa loob nung LTO. Siguro mga 1 oras kaming nakapila sa LTO. Tawanan lang kami ng tawanan sa loob kasi patawa ng patawa siya ng patawa. Sa totoo lang hirap na hirap na ko kakacompose ng ENGLISH ko pagkausap siya! Hahaha… binilhan niya ko ng merienda habang naghihintay kami dun sa LTO. May MINI CANTEEN kasi sa loob so hindi kami masyadong naiinip nung naghihintay. Pagtapos niya kumuha ng sticker, wala siyang magawa, nagjoyride kami sa palibot ng MAKATI. Nagiging familiar na tuloy ako sa MAKATI ngayon. Then tumuloy ulit kami sa CONDO niya… nagpahinga siya… siyesta. Tapos ako nakigamit ng internet niya dahil DSL siya. Sana DSL din kami. Mga halos 1 oras siya nagpahinga… meaning halos isang oras din akong nag-internet. Pagkagising niya, sabi niya magluto raw ako ng itlog. Pagbukas ko ng ref walang itlog. Nagulat siya. So bigla niyang naisipan mag-grocery. Hindi kami nagkotse this time nung pumunta kami sa RUSTAN’S. Nilakad namin from his CONDO til RUSTAN’S. Grabe! Dami niyang binilhing SAGING! Potassium daw kasi yun. Kaya pala ang ganda ng katawan niya! MakapagSAGING nga araw araw! Bumili na rin siya ng mga kung anu-ano. Pati yung itlog. Mag si6 na nung matapos kaming mag-grocery. Buti naman hindi niya pinabuhat mga pinabili niya sa kin dahil ang laki-laki ng katawan niya at ang kapal niya kung ako ang magbubuhat nun!!! Hindi na rin niya pinaluto sa kin yung itlog kasi sabi ko uuwi na ko at marami ng tao sa MRT. Sabi niya hahatid niya na lang daw ako. Sabi ko wag na lang. So from his CONDO, hinatid niya ko hanggang sa MRT AYALA STATION. Gusto niya pa magdrive papunta dun, sabi ko lakarin na lang namin. Yun, hinatid niya ko hanggang SM. Tapos sakay na ng MRT. At nagtext siya nung nakaalis na ko ng ‘Thanks and take care :)’…”

Oh di ba? Naaliw naman akong basahin din yan. Kayo na lang mag-isip kung ano at saan ang tinanggal kong parte sa entry na yan! Hahahaha…

Currently listening to: Waters of March by Susannah McCorkle
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on August 25, 2008 at 03:35 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)
Comment posted on August 25th, 2008 at 09:52 PM
"Nafeel niya ata gutom na ko." 'di lang gutom mo 'yung nafeel niya no? nandito 'yung kulang, no? at 'yung mga susunod na line, naku: green belt (pumapalibot sa tiyan?), MAX's...

--pinggoy to.

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 25th, 2008 at 11:11 PM
mali ka jan! hahahaha... hindi jan yung kulang! hahaha...
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jokefan (guest)

Comment posted on August 25th, 2008 at 08:54 PM
Parang mas gusto ko mabasa yung mga nadelete. Ehehehe.

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 25th, 2008 at 11:46 PM
hahaha... hulaan mo na lang san yung inedit jan. hahaha...