Wind Chimes
Wala lang, pinaglalaruan ko lang kasi yung wind chimes dun sa bahay ni ate kanina nung andun ako. Hmmm... okay naman ung oral test sa JAPALA1. Eto eksena kanina pagpasok ko ng classroom:
Sensei : Oi, si friend...
Jacob : Nyak!
Sensei : Mukhang nagpabelo ka pa ah...
Jacob : Nyi!
Nung turn ko na mag-oral test:
Sensei : Bello model ikaw na...
Jacob : Shushal talaga pangalan ko
Sensei : Shushal ka kasi
Jacob : Hahaha...
Nagcut ako ng WIRTECH. Naglunch with Barry sa Jollibee. Umuwi. Natulog. Nagising. Kumain. Pumunta sa bahay nila ate. Kumain ulit dun. Dumaan sa drugstore. Hihiram sana ng DVD sa Video City kaso walang magandang DVD. Eto nag-uupdate.
Nacross-post ko pala yung entry ko before this sa Multiply and natawa ko sa comment ni Angelica:
"tutol ako sa isang sinabi mo talaga as in wag ka magagalit ....
... "Oo bata ako."... Joke time na un.. bwahahahahah"
Ayun, uhmmm... may notice ang thesis leader ko Mr. T! Uhmm... ayoko muna magbigay ng statement. Hay... anyways yun. May nakachat pala ako kagabi sa YM. Nakuha niya yung YM ko dito sa Tabulas. Wala sobrang fun siya kausap. Hahaha... at kung anong pinag-usapan namin? Amin na lang yun. Basta sana makachat ko siya ulit. Wapak, baket ba kasi nagbubura na ko ng mga YM conversations! Nakalimutan ko tuloy yung ID niya.
Ay, sabi ni ate dun daw muna ko tumira sa kanina sa October pagpumunta silang America. Amp... pagiisipan ko. Hahaha...
So yun muna update ko Mr. T! Ciao!
xoxo,