Dahil si Barry nangungulit na mag-gym at gusto na niyang maging "LUSTY", at dahil ayoko mag-gym sa Fitness First, pinuntahan ko kanina yung gym sa New Manila na malapit sa min. Mga 15 minutes na paglalakad lang and andun ka na sa gym. Anyways, tinour ako kanina nung isang instructor dun nung naginquire ako. Ayun, mura siya dahil 1500 per month lang and 3 facilities yung puwedeng gamitin once nakapagregister ang nakapagbayad ka na for the month. Yung gym, yung pool, at yung badminton court. Onti yung tao sa  lugar Mr. T! kaya maganda. Tapos malapit pa. Tapos mura pa. Grabe, ang bango nung gym nila. Nakakarelax yung amoy! Ang sarap matulog sa loob. Ngayon, pinagiisipan ko ng mabuti kung gusto ko ba talagang mag-gym kasi baka masayang lang yung ibabayad ko and mas masarap talaga humilata! Hahaha….

image image
image image
image image

Oh di ba? Ganda? Sushal! Nasa New Manila pa! Pero marami raw tao pag 7pm onwards na. So yun, I’ll tell Barry about this place. And kung okay na sa kanya, enroll na kami. Yun lang nangyari ngayon Mr. T! NagYM lang ako with Aldrich and Pinggoy buong hapon at si Jeffrey nakabalik na ng Taiwan.Hahaha… good luck sa kin sa JAPALA1 oral test bukas! Hmmm…

Currently listening to: Better In Time by Leona Lewis
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on August 12, 2008 at 08:40 PM in Everyday Drama, Health | 4 comment(s)

muhh (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 12:12 PM
konti tao kasi off-peak time nung pumunta ka. then again, kung ganung oras ka nga naman lagi pupunta...

muhh (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 12:13 PM
at ano 'yung gravatar?

deck (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 08:20 AM
gusto ko rin mag gym.. ang layo naman kasi ng new manila... gusto ko ng may kasama...

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 08:33 AM
ay ay... balak mong maging contestant sa hari ng negros noh? gaya ng schoolmate mo? hahahaha....
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.