To Gym Or Not To Gym?
Dahil si Barry nangungulit na mag-gym at gusto na niyang maging "LUSTY", at dahil ayoko mag-gym sa Fitness First, pinuntahan ko kanina yung gym sa New Manila na malapit sa min. Mga 15 minutes na paglalakad lang and andun ka na sa gym. Anyways, tinour ako kanina nung isang instructor dun nung naginquire ako. Ayun, mura siya dahil 1500 per month lang and 3 facilities yung puwedeng gamitin once nakapagregister ang nakapagbayad ka na for the month. Yung gym, yung pool, at yung badminton court. Onti yung tao sa lugar Mr. T! kaya maganda. Tapos malapit pa. Tapos mura pa. Grabe, ang bango nung gym nila. Nakakarelax yung amoy! Ang sarap matulog sa loob. Ngayon, pinagiisipan ko ng mabuti kung gusto ko ba talagang mag-gym kasi baka masayang lang yung ibabayad ko and mas masarap talaga humilata! Hahaha….
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Oh di ba? Ganda? Sushal! Nasa New Manila pa! Pero marami raw tao pag 7pm onwards na. So yun, I’ll tell Barry about this place. And kung okay na sa kanya, enroll na kami. Yun lang nangyari ngayon Mr. T! NagYM lang ako with Aldrich and Pinggoy buong hapon at si Jeffrey nakabalik na ng Taiwan.Hahaha… good luck sa kin sa JAPALA1 oral test bukas! Hmmm…