Retrospective: Masarap Magmahal
A 2005 post:
Ang pagmamahal, dumadating sa tamang oras at tamang pagkakataon. Minsan sinisisi pa natin ang sarili natin kung bakit ngayon mo lang nalamang mahal mo siya. Kung alam mo lang siguro. Pero ngayon mo lang yon nalaman kasi eto yung tinatawag na “Right Time”…
Some think of love as a past time. Fling at trip lang. Yung mahal niya ngayon bukas hindi na. Boyfriend niya ngayon pero tanggap nya na isang araw tatawagin nya din yung “Ex”. Matagal nga, inaabot pa ng taon. Pero ilang taon? 1? 2? 3? Tapos pag nagkakasawaan na sa mukha, nagaayawan na . May iba naman na nagtatagal lang ng taon dahil nanghihinayang sa pinagsamahan. Bata pa masyado ang ganon magmahal.
May iba naman na masyadong seryoso at sensitibo pag dating sa bagay na ganito. Yung tipong taong handang irisk ang lahat. Magbigay, magparaya at kung anu ano pang kamartiran para lang don sa taong mahal niya. Yung iba naman sobrang naghohold back ng feelings. Yung tipong gustong gusto na yung tao hindi pa masabi na gusto niya rin yung isa. Yung isa naman takang taka na kung ano yung iniisip nung taong hindi man lang makapag-express nga nararamdaman. Hindi manghuhula ang tao. Kung gusto mo ang isang tao, ipakita mo at sabihin mo at iparamdam mo.
Meron pang iba diyan na pinipigilan yung nararamdaman niya kasi high school pa lang o kaya sa tingin niya hindi pa siya handa o kaya dahil sinasabi sa sarili niyang hindi siya muna magkakaroon ng kasintahan anytime soon at kung ano ano pa sa kadahilanang gusto niya maging sila nung taong yon sa panahong seryosohan na. Yung sigurado na siya na yung taong yun nga ang gusto niya makasama panghabambuhay. Kumbaga nga “Right Time”.
Meron ngang quotation na nagsasabing "I don't care how many lips you've kissed. I dont care how many women you've embraced. I don't care how many ladies hear you say you love them. All I care is the future. Not to be your first but to be your last"
Masarap magmahal sa taong mahal ka din. Yung feeling niyo soulmates kayo. Kaya kung para say o talaga yon, ilang taon man kayong di magkita, ilang tao man ang mahalin niya. Gaano man siya kalayo o marami mang hadlang, magkikita pa rin kayo kung talagang para kayo sa isa’t isa. Hindi hinahanap yan. Kusang dumadating ---- sa “Right Time”, kung may "Right Time" ba talaga...