Sobrang nagmadali ako kaninang umaga papuntang school kanina Mr. T! Nagshampoo lang ako ng buhok then banlaw then bihis agad. 9:00am ako nagising, 9:40am ang class ko. 9:15am tumatakbo na ko papuntang LRT2 station. By 10am nasa school na ko. Wow! Amazing Race di ba? Ayun, hindi ako pwede umabsent kasi may quiz kanina. Pero buti madali yung quiz, kahit nakapikit pwedeng sagutan. Then, after ko magquiz, pwede na umalis agad. So naglab ako sa Gox. Habang may binabasa akong blog, nagLAB SHUTDOWN!!! Wow! First time ko naexperience to sa DLSU. Gulat na gulat ako nung namatay mga PC since pagod ako katatakbo and antok antok pa ko kanina. Ayun, so umupo na lang ako sa labas ng lab. Nag-isip isip ng kung ano ano. Ang aga ko lumabas ng Japala1 class eh. Ayun, halos 1 oras akong nakatunganga mag-isa sa labas ng lab. Kung anu anong pumapasok sa utak ko. Then had WIRTECH. Hindi na namin maalala kung paano magconnect sa SQL or Access man ng mga JSP Mr. T! Kinakalawang na mga utak namin! Buti talaga si Deck nagawa niya! Hmmm... baket kaya hindi talaga nakuha sa HP si Deck? Anyways, yun, after ng WIRTECH, nagpasama ko kay Deck sa JobExpo sa may Yuchengco Lobby. Ayun, sobrang tawa na lang kami ng tawa ni Deck dahil sa HP na booth. Pinipilit ako ni Deck magsubmit dun kaso ewan ko, inferiority complex siguro kaya ayaw ko magsubmit dun. Hindi malakas loob ko sa mga ganun. Kasi naman matatalino lang mga nakukuha dun eh. Pero ewan ko rin, wala talaga akong guts. So yun, kung san san ko sinubmit yung resume ko. Ewan ko kung may tumawag or kumontak man lang sa kin. Habang nandun sa loob nung Expo, medyo nafeel ko ang taste ng corporate world Mr. T! Nafeel ko rin ang stress sa paghahanap ng mapapasukan. Suddenly, everything and everybody was serious, everything was different. Bigla akong napaisip. Nung malapit na maubos yung resume ko, lumabas na ko dahil wala mga entry positions ng mga natirang company eh puros programmer! At alam mo namang ayaw ko nun Mr. T! So yun, then dumaan muna kami ni Deck sa National Bookstore bago umuwi ako and siya bumalik sa work. Tapos, parang gusto ko bilhin yung dalawang librong binabasa ko kanina sa NB. Pero masyadong maemote yung libro. Baka maiyak lang ako! Hahaha! Tapos yun, pagkauwi, ligo na ng totoo. Then by 2pm nakatulog na. Woke up around 6pm and nagmerienda sa Jollibee Mr. T! Ayun, eto ako ngayon naguupdate sa yo.

Bago matulog kanina, pinapanood ko Sleeping Beauty sa iPod. Then... nanaginip ako ng sobrang gandang panaginip. Nasulat ko na yung panaginip na yun dito before Mr. T! This time mas maganda siya. Parang enhanced version nung panaginip na yun. Nasosobrahan ata ako sa kanonood ng fairy tales eh. Pero kahit ganun, naniniwala pa rin ako somehow. Ayun nga kay Princess Aurora, "But they say if you dream a thing more than once, it's sure to come true..." Hahaha! Baket hindi di ba? Buti na lang nag-uumaga at sumisikat ulit ang araw Mr. T! Kung hindi, baka nilamon na ko ng mga iniisip ko kagabi Mr. T! I'm alright again. I just needed the sun to shine on me last midmorning :-) Minsan talaga isip bata ako. Update you soon ayt? I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya Mr. T! Mwah!

Currently listening to: Once Upon A Dream from Sleeping Beauty
Posted by jjcobwebb on July 2, 2008 at 07:37 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.