Hello Mr. T! Kagigising ko lang. Hindi ako pumunta sa school ngayon. Kahapon din hindi ako pumasok sa kahit anong class pero pumunta ako ng school. Wala naman nangyari kahapon, nakasalubong ko si Luis bago ko umuwi. At nakascarf si gaga. Hahaha! Ayun, sabi niya samahan ko muna siya. May lagnat ako kahapon Mr. T! Pero since I'm such a good friend, sinamahan ko. Pero nagpasama muna ko maglunch sa kanya. Birthday niya pala kahapon Mr. T! Pero hindi niya ko nilibre! Hahaha. Okay lang. So yun, sabi niya magseat in muna ko sa ECE class niya. Pero hello naman, 15 lang sila sa klase so kung magseseat in ako halatang halatang nakiseat in ako. So sabi ko hintayin ko na lang matapos class niya at ang chikahan after na lang ng class niya. Ayun, pumunta ko sa clinic at natulog habang naghihintay. Hmmm... after nun, tumambay kami ni Luis sa YM. Nagyosi siya. Kwentuhan ng kung ano ano. Nakakatuwa ang tagal na nila ng jowa niya. Nakakalungkot dahil wala ako, masaya kasi meron palang nagtatagal talaga na relasyon na ganun. At imagine jowa niya taga Pampangga pa! Tatag di ba? Tapos napagkwentuhan din namin tungkol yung sa academic status niya, yung mga kagagahan niya. Nung naholdap siya at jowa niya ang sumundo sa kanya galing Pampangga pa (ang sweet noh?). At kung anu ano pa. Habang nagkukwento siya parang nagkaroon ng void yung pagkatao eh. Nagkaroon ng kulang Mr. T! Hay... ayun, sabi ko kailangan ko na talaga umuwi dahil super nilalagnat na ko kahapon. So umuwi na rin siya and umuwi na ko. It was fun Mr. T! Kahit nung naglalakad kami sa loob ng campus eh nakatinggin buong sambayanan kay Luis. Blonde na nakascarf pa. Hahaha... so yun. Nakalimutan ko for a while na may sakit ako kakatawa kay Luis. Parang lasing lang grabe! Baka magkita kami ulit bukas dahil may binebenta siya sa kin. Sabi ko wag na niya patungan yung presyo. Hahaha. Anyways, I'm feeling much better now. Sana bukas magaling na magaling na ko. Update you soon...

Currently listening to: Bleeding Love by Leona Lewis
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on June 17, 2008 at 04:55 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.