Person  : Ehem ehem... sino yun sinisigawan mo?
Jacob      : *lumingon* OMG! Ang tangkad! Anung ginagawa mo dito?
Person  : Hahaha, nasa loob ako ng McDo nakita kita parang may tinatawag
Jacob      : Kaibigan ko yung sinisigawan ko. Nakaheadphones ata kay hindi ako napansin. Ano gawa mo dito?
Person  : Nye, dito work ko nakalimutan mo na? Ikaw?
Jacob      : Ay, mah bad. Oo nga pala. Mariah party at hinihintay na sundo ko ngayon
Person  : Pasok muna tayo McDo.
Jacob      : Sige wala pa naman sundo ko

Yep, it was Charles. So nagkwentuhan muna sila ni Jacob hanggang dumating na yung sundo nito.

Jacob       : Sorry dun sa nangyari dati ha. Exaj lang ako
Charles  : Okay lang. Kasalanan ko rin. It just proves you have a kind heart
Jacob       : Nyak, anong kind heart dun?
Charles  : Basta. 3 weeks na lang aalis na kami ng country
Jacob       : Sige, good luck sa yo ha and as family mo...
Charles  : Thank you
Jacob       : Di ba 11pm pasok mo? Anung oras na oh...
Charles  : Okay lang, hawak ko naman oras ko. And hintayin na lang kita makaalis
Jacob       : Okay lang, kaya ko maghintay mag-isa
Charles  : Tsaka pag hindi dumating sundo mo ako na lang maghahatid sa yo
Jacob       : Ay tumigil ka. Pumasok ka na. Late ka na
Charles  : Siguro jowa mo yung tinatawag mo kanina sa labas
Jacob       : Wish ko lang di ba
Charles  : Ah kaya pala ayaw mo sa kin
Jacob       : Anong kinalaman?
Charles  : Gusto mong float?
Jacob       : KakaDQ ko lang. Baka masuka ako...
Charles  : Hahaha. Tumaba ka nung last tayo nagkita
Jacob       : Talaga? Buti naman!
Charles  : Wag ka masyadong magpataba. Kadiri yun.
Jacob       : Ay ang sama mo sa matataba! Wala namang masama maging mataba
Charles  : Joke lang

*nagring phone ni Jacob. nasa Libis na yung sundo niya*

Jacob       : Nasa Libis na raw sundo ko
Charles  : Sige, dito muna ko. Wala pa naman sundo mo eh. Hahaha...
Jacob       : Ano ba. Pumasok ka na. May makakakita pa sa yo sabihin may kasama kang panget
Charles  : Hahaha, panget daw. Hahalikan ba kita kung panget ka?
Jacob       : *nagtaas ng kilay kahit di marunong*
Charles  : Hahaha... *sticks out tongue*
Jacob       : *poker face*
Charles  : Daming gays ngayon sa Eastwood noh
Jacob       : Oo nga, kasi andito ka! Hahahaha...
Charles  : Hahaha, kasi andito ka!
Jacob       : Pwede, ako kasi si Mariah eh! Hahaha...
Charles  : Hahaha, landi mo...

tumagal pa ng 5 minutes pag-uusap ng dalawa hanggang sa dumating ang sundo ni Jacob

Charles  : Wala bang hug bago umalis?
Jacob       : Hahaha... ayaw ko! Nahalikan mo na nga ko dati! Hahaha...
Charles  : Hindi ka naman nagreciprocate nun eh...
Jacob       : Daming taong nakakarinig sa yo hoy!
Charles  : Dali, hug lang. 3 weeks na lang wala na ko sa Pinas
Jacob       : Amina kamay mo...

*gave Jacob his hand*

Jacob       : Ayan handshake! Hahaha...
Charles  : Nye. Oo na. Ayaw mo talaga sa kin.
Jacob       : Sige na, babay na
Charles  : Sige sige ingat. Salamat din. Bye.

*sumakay ng kotse*

Why Part 4?

Note: Malamang hindi talaga ganyan ung conversation nila! Hindi ganyang kaexact yung mga sinabi. Pero yung topic at concept ng usapan ganyan...

Currently listening to: Petals by Mariah Carey
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on June 14, 2008 at 02:06 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

dk (guest)

Comment posted on June 14th, 2008 at 10:33 PM
whahaha! galing sa friendster ni bheng...
hehehe! nang-iinis lang!

"wag kang magdaramdam kung nde ka kayang mahalin ng taong mahal mo. merong iba jan na mahal na mahal ka pero nde mo naman kayang mahalin...kaya quits lng."

kung may part 5 yan.. out of the country na yung seting.. soshal! whahaha!

ingatz jacob!
Comment posted on June 14th, 2008 at 08:59 PM
i didn't expected na may part 4 pa yung reverie. Anyway..i must say you did a good job on saying goodbye to Charles..at least di mo cya pinaasa.. gujab! hwooh! ang benta mo talaga! :)

Lewis (guest)

Comment posted on June 14th, 2008 at 02:44 PM
may part 4 na rin! sa wakas! *kilig!* hindi pa yan bye bye. meron pang part five--ang inyong happy ever after ni charles. :)

subtlebliss (guest)

Comment posted on June 14th, 2008 at 03:07 PM
malamang wala ng ever after toh! patahimikin na natin yung tao. aalis na siya ng bansa. and hindi ko talaga siya gusto... :S

Lewis (guest)

Comment posted on June 14th, 2008 at 03:11 PM
awww. sayang naman. mukhang mahal na mahal ka naman ng tao eh. baka matutunan mo din siyang mahalin? nakakakilig ang mga reverie stories mo. sayang naman kung dito lang magwawakas. :|

subtlebliss (guest)

Comment posted on June 14th, 2008 at 03:13 PM
nyek! mas maganda kung magiging kami ni Chris sa totoo lang. ayun ang pinakahihintay kong moment sa buhay ko. si chris ang mahal na mahal ko eh. sana matutunan niya rin akong mahaling :( okay lang magwakas toh basta hindi yung meron kami ni chris ngayon