Kathleen's 10th Birthday
Hello
Mr. T! Just got back home. 10th birthday kanina ni Kathleen sa McDo
Greenhills. Ayun, pamangkin ko si Kathleen sa kuya ko. Feeling ko alam
mo na yun. Anyways, yun, wala lang, same-same. Children's party eh. May
parlor games, games para sa mga matatanda rin. At grabe, kasama na ko
sa games ng matatanda! Weird. Tapos, uhm... yun lang. Hahaha... yung
pagkain lang hinintay ko talaga. Hahaha! Then nagGreenbelt 5 muna kami
ng family after matapos nung celebration. Hindi ko alam magaling pala
sumayaw yung isa kong pamangkin na si Kobe Mr. T! Hahaha... sinayaw
niya kanina yung Crank That ng Soulja Boy. Naaliw naman ako dahil ako
ang taong hindi marunong magsayaw. Buti pamangkin ko marunong. Tapos
mascot na pala si Ronald McDonald! Hindi na siya clown! Hahaha! So
hinalay ko siya! Hahahaha! Basta masaya masaya. Ayun, happy birthday na
lang ulit kay Kathleen! Grabe 10 na siya! Ang bilis ng panahon. Sa
susunod siya na ang 22 years old. OMG! Ilang taon na ko nun! Buti
nakaattend ako ngayon. Nung birthday ni Emo last time hinanap ako ng
buong sambayanan dahil missing in action ako. Buti ngayon wala akong
lakad. Hmmm... anyways, yun lang update ko Mr. T! Update you soon ayt?
I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya... mwah!
Naisip ko lang pala Mr. T!, never akong nagkaroon ng birthday party sa mga ganitong lugar. Same goes sa mga kapatid ko. Paano ba naman hindi naman kasi kami mayaman! Ayun, swerte ng mga pamangkin ko ngayon. Good for them at nakakaexperience sila ng mga ganitong bagay. What if magbirthday ako sa McDo or Jollibee ngayong taon? Hahaha...
Aubrey (guest)