Konbanwa Mr. T! Weird kahapon Mr. T! Pamilya ko di alam kung san kakain ng dinner ganito tinahak namin Timog -> Q. Ave -> UP -> Katipunan -> Eastwood -> Libis -> Tiendesitas. Wow! Hindi na lang nag-Ortigas! Kung san san pa kami umikot di ba? Hindi malaman kung san kakain kung san san tuloy napadpad. So yun, ang sesensitive ng mga issue na pinagusapan naming magpapamilya kahapon. Rated R talaga. Hindi kalaswaan ah! Pero sa pamilya lang dapat umikot yung storya. Hmmm... tapos sa van ginagawan na naman ako ng future ng pamilya ko. Yay! May 5 senses naman ako Mr. T! siguro, kaya ko naman gumawa ng sarili kong kinabukasan pagtapos na ko mag-aral. Pati kompanyang papasukan sinusulat na sa papel eh. Tsk tsk... so not me. :( Pero ayon kay Deck kanina, sa buhay kailangan ng konekyson. Makes me think again... yay!

First day, 5th year, hay... hindi ako nasiyahan sa mga classmates ko sa 2 subjects ko. Basta, puros COMPSCI din! Wah... ano ba yun! Yung masaya lang kanina eh yung mga frosh na parang mga nawawala sa campus at yun teacher namin sa JAPALA1. Sobrang saya. Tawa ko ng tawa halos mamatay na ko ng kakatawa Mr. T! To the highest level si Sensei magpatawa. Ang bading pero hindi sobrang bading siya. Basta binatukan pa ko kanina kakatawa. Hahaha! Tapos tapos, nakakahiya tinanong pa kami kung ilang taon na kami. Sinagot namin yung age namin in Japanese numbers. Nilagay niya sa board yung numbers in Japanese. Ayun, tapos, ugh...Si David (thesis leader namin), grabe classmate ko sa 2 subjects ko! Wala kong kawala pag ayaw kong umattend ng meeting nito Mr. T! Patay! Tapos WIRTECH pala si Deck classmate ko. Sina Tin and Aubrey dinrop yung WIRTECH nila. Kadiri Mobile Programming na naman! Tapos yun, sumama ko Makati kay Deck, naglunch sa Chino Roces McDo and then dumaan sa RCBC. NagMRT pauwi, nakita si Keith sa Gateway. Tapos nagtext si Aldrich nung nasa LRT2 na ko. Kala ko hindi tuloy yung sinabi niyang magkikita kami sa Monday. So buti nagtext so medyo nagshower lang ako pagkadating ng bahay kasi sobrang init at dimiretso ng Galleria. Dun kasi kami magkikita.

Ayun, oh di ba ang tangkad ni Aldrich! Super late ako grabe! Nakakahiya! Kaya yung iba jan, kung nagrereklamong late ako! Kumusta naman pag sa iba ko nakikipagkita! Yung iba jan kinikita ko on time naman! Nauuna lang sila! Hmph! Hahaha. So yun, dapat nood kami ng Indiana Jones pero naisip ko baka makatulog ako sa sinehan. So nagTimezone kami. Ahahaha... ang saya Mr. T! Parang ang tagal ng kilala si Adrich. Ang dami kasing pangalan na lumalabas sa usapan namin. Pag may niname drop siya kilala ko palagi. Hahaha... so yun tapos naisipan niyang magUP na lang kami. IUUP tour niya raw ako. Nyi, natour ko na UP nung first year college ako. Pero okay sige, 4 years ago pa yun baka naiba na. :D So yun, sa may UP Mall kami una pumunta, may pinaprint siya. Nanalo kasi yung proposal nila sa L'oreal. O di ba? Define beauty? Hahahaha... tapos yun, tapos nag-gulaman kami tapos kumain kami ng 110php na isaw baboy at manok! O di ba isaw festival kina Mang Larry! May Mang Larry's dati sa DLSU, kaso nagsara. Ang sushal kasi ng mga tao dun! Tsk! Hahaha... tapos yun, umuulan pala Mr. T! Salamat sa CRV ni Aldrich hindi kailangan magcommute at mageffort masyado. Tapos yun, binaba ako ni Aldrich sa Greenhills kasi may bibili ako ng Visual Studio. Ang daldal ni Aldrich grabe talo ako! Pero Mr. T! Super antok ako kanina gusto ko ng bumagsak habang nasa kotse. Pero nakakahiya umidlip. Nung nasa GH na ko, grabe, nahilo ako. Epekto ata nung isaw!!! Tapos sira yung Visual Studio 2008 na nabili ko!!! Iba yung CD na nakalagay so kailagan kong bumalik ng GH. Buti na lang si mama papuntang North Greenhills, so sumabay ako at buti gumana nung pinalitan. Ayun, puro pamprogram na tong laptop ko! Nakakasuka! Yuch! Hahahaha... so yun lang naman Mr. T! Bukas wala akong pasok! Wow! Bum! Nakakawalang gana pumasok! Tsk!

Kahapon sa LRT2 nakashorts si Jacob, kita ang sugat sa tuhod:

Guard            : Sir sa motor yan?
Jacob            : Hindi, naholdap po ako...

Lalake sa Train  : Basketball?
Jacob            : Hindi, naholdap po ako...

Tindero sa 168   : Sir sa bike?
Jacob            : Hindi, naholdap po ako...

Ang pansinin naman nung sugat ko! Lahat gusto tanungin kung san galing! Buti na lang tuyo na. At maraming cream sa drugstore! Hahaha...

P.S. Hassle dalhin yung iPod sa school ang laki! Babalik ako sa shuffle!

Currently listening to: Right Here Waiting by Richard Marx
Currently reading: Chris' YM Window
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on May 26, 2008 at 11:25 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)

Iza John (guest)

Comment posted on May 28th, 2008 at 12:44 AM
What's new. Kahit sa J. Ruiz Station ang meeting place, late ka pa rin by some 30 minutes. Ang diva mo talaga.

subtlebliss (guest)

Comment posted on May 28th, 2008 at 01:49 AM
heh! hindi ako late bahala ka! ;P
Comment posted on May 27th, 2008 at 08:18 PM
naks, na-name drop na rin ako sa blog mo. haha! nahilo ako sa dami ng links papunta ng blog ko ah! haha

at madaldal na pala ako sa lagay na yun ah!? haha

subtlebliss (guest)

Comment posted on May 27th, 2008 at 11:51 PM
oo... bibigyan kita ng award! lol... thanks! :D
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Aubrey (guest)

Comment posted on May 27th, 2008 at 07:36 AM
cno kc ung "isa jan"?:D hahaha. syet di tau magbobonding this term?:S

subtlebliss (guest)

Comment posted on May 27th, 2008 at 11:54 PM
uu nga eh... tsk