Kahit hindi ko masyadong nakasama mga kaibigan ko, kahit hindi kami kupleto nina Barry, Rhitz and Jeffrey, kahit bumagyo at inulan kami sa Boracay, kahit hindi ako nangitim, kahit nagpakasuper bum ako ngayong bakasyon, masaya. Isa sa pinakamasayang bakasyon na nagkaroon ako Mr. T! Baket? Somehow I felt complete because of some people na pinapasok ko sa buhay ko. Huling summer vacation ko na to as estudyante, siguro eto na yung pinakamasaya ngayong college. Hmmm... habang sinusulat ko toh ngayon, sinusubukan kong alalahanin mga nangyari nung bakasyon. May ibang events na kinikilig ako, iba naman naiinis, iba naman pinagsisihan. Halo halo eh pero pagpinagsama sama mo yung mga nangyari, maganda naman ang kinahinatnan. Wala ko masyadong masabi ngayon Mr. T! Kasi sa tingin ko, sa buong summer na nagboblog ako, nasabi ko na rin ang mga gusto ko masabi sa mga tao, natext ko na nga rin eh. Kahit mukhang madrama yung mga blog ko lately Mr. T!, hindi nun kaya tapatan yung times na hindi ako madrama ngayong summer. Some of the best things that happened in my life, happened this summer. Nakakatuwa isipin, nakakatuwa alalahanin. Naging masaya ko, at sana tuloy tuloy na toh. At sana hindi ako tumanda! Huh? I mean, ayoko magaya sa mga taong sobrang sineseryoso mga buhay nila. Gusto ko lagi akong masaya. Life is meant to be fun di ba? Hahahaha... :D (hindi ko nagets sinabi ko). At bagong reformat laptop ko. Goodbye old files... :(

So yun, tuloy ang trabaho, tuloy ang drama sa thesis, tuloy and paggawa ng bagong kaibigan bukas Mr. T! Excited ba ko? Ewan ko! Hay... sana lang talaga may bago ako maging friends para masaya naman ang last academic term ko sa DLSU! At sana rin may makilala akong bagong friend na super magiging kaclose ko at magkakasundo kami. Mahirap ata na wala sina Tin, Aubrey and Deck sa school ha! Mukha ko nitong palaboy. Hmmm... so yun, wala na kong masabi. Ubos na laman ng utak ko. Hindi ko kaya isulat mga nararamdaman ko Mr. T! hehehe. So yun, kahapon super chat lang kami ni Jeffrey buong araw! Hahahaha... nakakamiss si Jeffrey. Tapos kanina naman nagshopping ako sa Quiapo and 168, wala naman akong nabili. Mga kalat lang. Hahaha... hmmm.. so yun, kailangan ko ng maghanda. I'll make sure mukha akong frosh bukas. Hahaha... sige Mr. T! Update you soon! :D

Currently listening to: Migrate by Mariah Carey feat. T.Pain
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on May 25, 2008 at 07:01 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.