Hindi namin alam kung baket. Kauuwi ko lang from Krispy Kreme sa Greenhills with Barry and Rhitz. Anyways, parang ngayong araw na toh eh SLEEP ALL DAY day. Nagising ako around 7am, tapos nagkape. Humiga ulit, nakatulog. Nagising ng lunch. Pumunta sa bahay ni Ate kinuha ang PS2 at kumain dun ng lunch. Tapos pagkabalik sa bahay nakatulog na naman. Nagising around 6pm. Tapos pinapunta ni Ate sa N. Domingo Drugstore dahil may pinagawa sa computer. And then pagkauwi nilaro ang Final Fantasy XII. Grabe! Opening credits pa lang nakanganga na kami ng kapatid ko sa sobrang ganda ng CGI. Ibang klase ang Square Enix. Iba na ang battle style sa FF na toh. Basta medyo hindi pa ko sanay sa ganung klase ng pagattack. Parang Kingdom Hearts style. I'll get used to it kapag tumagal siguro. Thanks sa internet talaga puwede ng magsearch ng mga walkthroughs at tips and tricks. Di tulad dati nauubos pero ko sa mga game magazines para lang sa walkthroughs at tips and tricks na yan. Then si Rhitz, around 8 tumawag at nasa Promenade daw sila ni Barry. So ako dali daling pumunta kahit pamasahe lang ang dala. Anyways, nagkwentuhan kami sa gitna ng Promenade Mr. T! Habang nagkukuwentuhan, ang daming pumasok na kilala ko! Para kong star kanina kaway ng kaway at smile ng smile. Tapos yun, nag FIC kami. And then kuwentuhan na naman. Until naispan namin maglakad lakad. While naglalakad, nadaanan ang Krispy Kreme, nanlibre si Rhitz. Overrated talaga ang Krispy Kreme. Hindi ko alam baket maraming tao may gusto dun. Dahil ba sa pangalan? Parang pagkumain ka ba dun sushal ka na? Eto ba ngayon ang batayan ng social status ala Starbucks na rin? Blech! Give me Mister Donut instead! Basta, I threw up nung 3rd doughnut na namin. Siyempre si Barry and Rhitz kain lang ng kain. So yun, we had to head home since hinahanap na si Barry ng dad niya and si Rhitz hinihintay na ng sis niya sa Chill's. So Barry gave me a ride. And after that date, we called ourselves Semi-Bums... geez...Inside the car, Barry and I listened to our favorite radio station  96.3! Malamang, kadramahan na naman ang pinagkwentuhan namin habang pauwi. Then we called it a night.

Mga Hirit Na Wala Sa Hulog:

Jacob    : Baket kaya pagmatangkad ka parang may itsura ka na rin?
Barry    : Oo nga ganun yun. Baket din kaya?
Rhitz    : Oo nga pero maiiksi buhay nila. Unlike small people. Tignan mo si Frodo blah blah
*Jacob and Barry nagtinginan ng parang WTH*

Jacob    : Ayan, hinati ko na yung doughnuts into bite-sized
Barry and Rhitzjoy: Wow, bite-sized sa bibig mo lang yan
Jacob    : Ina niyo! Hahaha...

Barry    : Yung lola ko dati, nung super namatay siya blah blah
Rhitz    : Super namatay? Pagpatay ka di ba patay ka na? Hahaha...
Jacob    : Baka si Super Woman lola niya... Hahahaha...

Jacob, 3 Orbits ang kinain isang subuan. Kay Rhitz ang gum...
Rhitz    : Wow, hindi yan Chips!
Jacob    : Ay sorry! Hahaha...

Barry    : Nung "yuwology" nung lola ko blah blah...
Jacob    : Tanga eulogy!
Rhitz    : Hahaha! Pagbigyan mo na yan! Theology sabi niya wala lang "T"
*everyone laughs*

Jacob    : Barry isama mo na kami ni Rhitz sa La Union with your org ha!
Barry    : Iaask ko pa sila
Jacob    : Hindi na nga tayo nakapagPuerto Galera last year dahil kay Jeffrey. Sana nga tayong 3 na lang pumunta nun. May 5K na ko nun sayang!
Barry    : Shet ako rin dami ko ng pera nun limpak limpak! Hindi pa kasi tayo liberated nun!
Jacob    : Liberated? *Nagtaas ng kilay*

Sarap talaga tuwawa Mr. T! I love my friends. :)

Currently listening to: You Mean The World To Me by Toni Braxton
Currently reading: hotmail
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on April 22, 2008 at 12:31 AM in Everyday Drama, Malling | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.