Cool, nakita ko kanina sa Powerbooks yang book na yan Mr. T! Isa yan sa paborito kong libro nung bata ako eh. Hahaha... Si Amelia Bedelia ay isang literal na katulong. Hahaha... ayoko na siya idescribe may internet naman para isearch kung sino siya. Anyways, it was a verrrry looong day. Dapat pupunta ko sa school Mr. T! para kunin sked ko for next term pero tinamad ako dahil sobrang init. So, ang ginawa ko? Sumama na lang ako sa pagdeliver ng mga gamot kung san san. Una sa QC, tapos sa Makati. And then, nung nasa Makati na, nagpaiwan na ko sa RCBC para magbantay na lang ng drugstore. Ayun, andun si Dona and Mau. Tapos si Dr. Ipe and Dra. Nona andun din sa drugstore tumatambay. Anyways, nakatulog ako nung nagbantay ako. Hahaha, grabe antukin ko talaga. Around 5 pm, si Barry nagtext and sabi tuloy daw kami pero si Rhitz wala sa paglabas namin ngayon. So okay, dinaanan niya ko sa RCBC and then nagGlorietta kami. Ayun, ikot ikot sa G4 tapos nirelieve ang Jeffrey moments sa G4. Kuwentuhan, tawanan and then hanggang umabot sa GB3 at si Barry nagPowerbooks para maghanap ng mga jewelry books. Tapos ako kung anu anong kinutingting ko. Nakita ko pa si Amelia Bedelia! OMG, she brought back a lot of Grade 3 days!!! Anyways, tapos yun, I found myself na nagbabasa na sa comic section. Ewan ko baket binabasa ko si Spider Man! Hahaha... basta aliw. And then Music One. Dapat bibili ako ng E=MC2 na bagong album ni Mariah pero naalala ko sinabi ni Cheeseburger na may mga MP3 na raw ako nun. Ganun din naman sabi ni Karol. Shucks, feeling ko I'm cheating Mariah! Afterwards, since mainit, nagGelatone kami ni Barry. Tapos paikot ikot na naman at pilit pinauubos ni Barry ang ice cream sa kin dahil nalalaswaan na siya sa pagkain ko nun. Hahaha... then ayun, napagod kaiikot and dumami na rin ang tao so we headed back sa parking. Then, sobrang traffic sa EDSA, so we tried C5, buti hindi traffic. Si Barry gusto pa magEast Wood pero sabi ko sa Gateway na lang kami kumain. And so there, nung nasa Gateway na kami as usual madami na namang gays. Ugh... tapos lahat pa ng gusto naming kainan e.g Cibo, TBoy, Burgoo etc. lahat puno. So napunta kami sa Taco Bell! Buti na lang may hotsauce dun at napagtiyagaan ko ang mga beans sa Mexican Pizza. Hindi namin naubos inorder namin ni Barry grabe. And then we strolled again sa Gateway. Usap usap, tapos naopen up ko kay Barry isang topic na kay Jeffrey ko lang kinukwento. Hay... ayun. Naiyak ako sa harapan ni Barry. Weird talaga grabe. Ewan ko ba shete! Si Barry nagulat na lang nung naiyak ako. I think he gives better advice than Jeffrey. So the gist of our convo?

Jacob     : Barry ewan ko pero parang mukha na ata akong tanga.

Barry      : Ganun talaga. You have to work hard for it.

Jacob      : Hirap kasi hindi ko alam kung ano naisip niya. Hindi siya vocal. Nalilito ako.

Barry      : Ang tanong, masaya ka ba?

Jacob      : Oo *starts crying*

Barry       : Fuck, gusto mo talaga siya. Wag ka dito umiyak dun tayo sa gilid...

Then para sumaya ko, nagTimezone kaming dalawa and then yun nagtawanan na ulit kami at nagsubside ang drama moments namin. First time ever ko umiyak sa harap ni Barry or sa harap ng friend at least. Now mas sigurado ko sa nararamdaman ko Mr. T! I really like the person. Wala kong magagawa, like what Barry said, hold on to this person unless ako ang bitiwan. Hay, thank you Barry. :)

Currently listening to: Just Because by Anita Baker
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on April 18, 2008 at 11:04 PM in Everyday Drama, Malling | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.