Cafe Bola
Shux, ang hahaba ng mga previous entries ko. Kahit ako tinatamad basahin. Masyado ata akong carried away sa mga nangyari. Shucks, si Ate nagBicol kahapon ng umaga! Wala kasi ako sa bahay! Shete, sana nakasama ako! Anways, I'll maket this post short and concise.
So what happened last night?
Si Barry nagtext:
Barry : Jacob, hintayin mo na lang kaming Gateway dun
ka namin dadaanan papuntang Eastwood
Jacob : Baket asan ka na ba?
Barry : Santolan, papuntang Makati dadaanan si Rhitz
Jacob : Naku! Ayaw ko maghintay magisa sa Gateway
baka may pumik-up sa kin dun!
MRT na lang ako and punta ko Makati
Barry : Sige kita na lang tayo dun
So
naghintay ako sa Makati, una G4, ikot ikot magisa. Si Rhitz kasama pa
kapatid niya so nagPowerbooks sa may GB3 muna. Nagbasa basa habang
naghihintay. Daming SPARTANS sa Makati Mr. T! Baket ganun??? Anyways,
ang tagal ko naghintay sa Powerbooks, kung ano ano na lang binasa ko
pati libro ng ASP.NET binasa ko na kahit di ko naintindihan! Anyways,
finally Barry arrived so tumambay muna kami sa GB3 Cinema area. Nakita
pa namin si Toni Gonzaga and yung BF niyang hot. Anyways, kaya pala
hindi pa dumadating si Rhitz kasi akala ni Barry tinext ko na at akala
ko naman tinext niya na. Anways, buti tumawag na si Rhitz. Naghintay
pala siya sa Powerbooks. So yun, kaming 3 nakaupo sa may Cinema area.
Then siyempre anong oras na nun. Sobrang traffic pa papuntang Makati so
malamang mga 9pm na yun kaya gutom na talaga kami ni Barry. Kaso si
Rhitz kumain na so kaming 2 na lang ni Barry ang kakain. Anyways,
pagtapos maghanap ng mga kakainan, sa Cafe Bola kami nauwi. Ugh, may
mga Computer Science people pang mga kumakain dun kaya hind ako
makakilos ng masyado pero okay lang dahil hindi naman kami mga close.
So yun, kain. First time ko nakakita at makatikim ng Sinigang na may
Watermelon. Ang cool grabe. Tapos first time ko rin makakain ng Adobo
Flakes. Shux, kala ko kulang sa min ni Barry, pero sobrang nabusog
kami! Hahaha... sarap, tapos si Rhitz bumili ng dessert. Gustong gusto
ko nung Gelatone kaso ang mahal at may sipon ako. So anyways after
kumain, naglakad lakad muna kami. NagGB5 at pinagtawanan kung ano ano
lang ang mga makita. Kuwentuhan, kulitan, hagik gikan, CRUISING, etc.
etc. Then si Rhitz, sabi gusto ni Wiggy mag "Neigbor" daw. So sabi ko
game ako pero si Barry hindi. Tapos yun, after GB5, nag GB2 naman kami
para bumalik sa parking. Nung nakaalis na kami, may nagtext kay Barry:
Jano : Uy, Christian, nakita ko kayo GB3
Barry : Ay oo kasama ko mga friends ko
Jano : Punta kayong Temple guestlist ko kayo
Barry : No, thanks nakaalis na kami
Sayang talaga! Sana nakapagsayaw man lang kami. Anyways, wala pa kami sa mood umuwi ng mga 11pm, so nagCRUISE kami. Sa Makati Ave. then sa Malate. OMG naman di ba. Aliw na aliw kami kahit nasa loob lang kami ng kotse. Hahaha... fun fun fun. Basta, road trip talaga hanggang mag-umaga. Ano ba tong pinagagawa namin! Gawain ng matitinong magkakaibigan. Anyways, wala naman masamang magtrip. Kanya kanyang trip lang yan. Trip lang namin mag-ikot ikot kung san san para prepared kami sakaling magNeighbor kami. Hahaha... tapos yun, umaga na and hinatid na namin ni Barry si Rhitz sa kanila and then dapat magsStarbucks pa kami ni Barry sa Gateway kaso sarado na so ako naman ang umuwi. Ayun, ngarag nung pagkauwi. Nakatulog agad at sobrang antok kahit si Barry ang nagdrive. Hahaha... so yun, ayan, sana maiksi toh. Hahaha... update you soon Mr. T! Ganda ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon Mr. T! Kulang na lang talaga eh someone to love... ^.~
muhhh (guest)

subtlebliss (guest)