March 29, 2008
2 Hours Of Sleep
Hello Mr. T! Grabe 2 oras pa lang ako natutulog ngayong araw na toh. Hmmm... muntik na ko pumunta ng Divisoria mag-isa sa sobrang pagkabored sa bahay ng buti na lang nagtext si Aubrey na nasa school sila. So dali dali akong pumuntang school. And yun, may dalang car si Aubrey. We headed sa Mall of Asia.
Mall Of Asia
Kasama si Deck and Matthew and Aubrey, pumunta kaming Mall Of Asia. Nahuli kami ng MMDA dahil mali ang lane namin! May balat ata ako sa puwet dahil pagkasama ako ng mga kaibigan ko sa car laging nahuhuli sila ng MMDA! Ayun, nagikot ikot, naglakad lakad and then pinanood yung mga nagiice skates. So dahil sa panunood, naisipan namin na mag-ice skates next week. So bali yun, then si Barry tumawag hinahanap ako. So sabi niya susunod raw siyang MOA. Then yun, since nasa school lang naman si Barry, mabilis siyang nakarating sa MOA. Kumain kami sa Tokyo Tokyo nung wala na kaming magawa. After nun, since si Aubrey natatakot sa traffic sa South, umalis na silang 3 nang maaga and naiwan kami ni Barry. Soon after makaalis nina Aubrey, si Rhitz tumawag and sabi na nasa Manila na raw siya. Magkita na lang daw kami sa Serendra.
Serendra
Ihing ihi na ko kaya bumaba na ko at naghanap ng CR habang si Barry nagpapark. Dapat magkakape kami kaso naisip namin ang corny kaming dalawa lang. Binalikan namin yung unang unang beses namin pumuntang Serendra nung halos wala pang mga stores and ginagawa pa lang yun. Then, kala ko may bibiling libro si Barry so nasa Fully Booked kami habang hinihintay namin si Rhitz. Nagbasa basa kami ng kung anu-anong libro. Tapos nalaman ko na hindi lang pala Archie ang gawa ni Dan Decarlo. Meron din pala siyang mga iba pang comics na puros babaeng sexy ang laman --- cool! Then yun, sobrang gusto ko bilhin yung He’s Not Just That Into You na libro. Hahaha --- kaso sabi ni Barry walang kwenta. So yun, si Rhitz tumawag and sabi nasa CSB siya and may EAT-ALL-YOU-CAN na naman yung kapatid niyang Culinary Arts. Ininvite kami so sige na naman kami. Pero, pagkalabas namin sa parking, nagtext si Rhitz na wag na lang daw dahil andun si Gavin Go. Naisip ko rin na wag na dahil baka kung anong intriga pa lumabas. So si Barry nag C5 na and nagdecide na kumain na lang kami sa Eastwood.
Eastwood
Daming tao! Ugh! Naghahanap kami ng kainan and nauwi kami sa Fazoli’s. Ayun, grabe parang palengke eh paano ba naman ang mura mura ng pagkain! Eh sa sobrang mura din napadami order namin ni Barry na hindi na namin maubos yung kinakain namin. The last time kumain ako sa Fazoli’s eh nung birthday ng friend ko and exclusive yung place para sa amin that time. Ganun pala yun pag regular days, exaj parang palengke. Nagkita kami ni Tom, kasama niya friend niya. Ayun, sinamahan namin si ni Barry sa Mall para bumili ng food then naghiwalay din agad kami. Then umikot ikot muna kami ni Barry. Naisip namin ni Barry baket laging ang layo-layo ng mga pinupuntahan namin eh yung Eastwood sa likod lang ng bahay niya as in yung tunnel lang ang dadaanan and andun ka na and 20 minutes away lang sa bahay namin. Weird we never hung out in Eastwood often. Then yun, we had to go dahil padami na ng padami ang mga tao. Pero nagMcFlurry muna ko bago umalis hahaha... fun fun fun. Barry and I concluded that Eastwood is the place to be! Inaantok na ko pero parang wala pa rin ako sa mood matulog. Anyways, update you soon Mr. T!
Notes: Nakita ko sa Eastwood si Edgie after 3 years nung last kaming nagkita sa Abada! Hi hello na lang kami ngayon how sad! Dun ata siya sa Eastwood nagwowork. Si Bobby and Angelo nakita rin namin nung pauwi kami. Hmmm...
Sa kotse ni Barry habang pauwi:
Jacob: Gustong gusto mo si Jenny baket di mo ligawan?
Barry: Nililigawan ko naman eh. Kaso pag iaask ko lumabas or magmovie or kumain laging busy laging busy
Jacob: Aw, baka naman marami lang talaga siyang ginagawa
Barry: Nyek, pag ganun laging excuse, walang interest yung tao sa yo. Exaj naman kung laging busy di ba? Kung gusto ka rin nun magmamake time for you yun.
Jacob: Ganun ba yun? Hmmm... *thinks*