I'm better now. A little. Siguro pagtapos ng Holy Week okay na ko. So yun, was in Eastwood with Tom from 12am - 6am! Oh di ba bonding? Kasi even if I try my hardest to sleep yesterday, hindi pa rin ako makakatulog dahil maraming iniisip or sadyang di lang talaga ko natutulog. 

So yun, pakilala ko muna si Tom kung hindi niyo siya kilala. Nagkakilala kami ni Tom sa Multiply. If my memory serves me right, I replied sa isang post ni Tom sa Multiply. And the rest was history. So yun, almost one year na yung reply ko na yun and until now Tom and I are still talking and seeing each other --- though not often. 4 times na kami nagmeemeet simula May and everytime kami nagmeemeet parang nagiging super close kami lalo. We don't even text and chat much ha pero parang ang close close namin talaga. Sa 4 times namin na nagkita na yun, 4  na lugar din pinagkitaan namin. Promenade, Greenbelt 3, Megamall and yesterday sa Eastwood. Okay, para matapos ang kuro-kuro, may BF siya. 3 years na sila. Okay? So walang kahit ano pagnagmemeet kami. It's a pure friendly meeting.

So yesterday, lungkut lungkutan ako. Naghahanap ako ng makakausap sa YM and offline na halos lahat ng tao. But Tom's was online. So usap. I mentioned what I was feeling yesterday and he immediately asked me kung gusto ko makipagkita and makipagusap. To my bore, and my inability to sleep, I said yes. I left the house around 11:35pm and by 12:00am I was in Eastwood na. So yun, may trabaho pala ang sira. Nawala naman sa isip ko na dun pala siya nagtratrabaho. Bigla naman akong nahiya dahil bumaba pa and lumabas pa talaga ng office si Tom. Sobrang bait niya. Sabi niya hindi naman siya busy and "lunch time" naman daw nila kay okay lang. Okay sabi ko, ang saya ng Lunch Time nila hating gabi. I took a stroll again in Eastwood after 1 year of not being there. Maraming bago and marami ring luma. Ayun, while walking super kwento ako kay Tom. While walking din, parang napansin ko ang daming Highschool ang gumigimmick sa Eastwood. Puro bagets sabi nga ni Tom. And narealize ko hindi na ko bagets. So yun, ganun pa rin yun mall, yung Starbucks, yung SBC, yung sinehan. May mga bagong bukas lang and may mga nagsara. So kumain kami sa Pasto ni Tom. Buti na lang nagdala ko ng pera kung hindi nilibre na naman ako ni Tom. Nakakahiya na. So yun, umalis na yung mga kumakain dun sa Pasto pagpasok namin and kaming 2 lang andun sa loob.

So super kuwento siya and super kwento din ako. Weird dahil until now si Tom hindi niya alam ang totoong status nila ng BF niya. We talked about it. Nahihirapan siya sitwasyon nila so nagsuggest ang tanga (ako nagsuggest). Nagsuggest ako na magDowneDowne muna siya or G4M muna kung ganun. Hala nasababon pa ko. He called those sites "Meatshops" and tinawanan niya lang ako. Wala raw matinong tao dun and walang naglalast na relationship dun. So ako, Oh. NapaOh na lang dahil sumasangayon din naman ako somehow. Tapos ayun, ako naman pinagkukuwestiyon na baket wala pa rin akong lovelife blah blah. Sabi ko kasi hindi pa handa yung tamang tao for me --- may ganun talaga --- hahaha. So anyways, yun usapan ng kabitan, commitment, kaputahan, kahalayan ang naging topic ng paguusap namin. Mga manloloko, mga unfaithful, mga malilibog na tao at masasamang tao. People who hurt you, mga 2 timer, mga pasaway, mga panloloko. Marami akong natutunan sa kanya kanina. He was so open. Sobrang nakikita ko ugali ko kay Tom kaya siguro click kami. Tapos yun, ang bigat nung kinain namin at ang mahal pa leche! Napakain ako ng 400php para sa isang tinapay na parang Shawarma! At 100php na bottomless iced tea! Anyways, the coversation was all that mattered a while ago. Tawa here, tawa there. Those smiles and kwentos. Grabe siya muna nagDebit sa card niya nung kinain namin dahil wala raw siyang barya. Natakot ako kala ko libre na naman. Pero binayan ko naman siya. He made me forget na may laman ang isip ko. So yun, stroll sa Eastwood while naguusap. Then around 3am wala nang bukas na kapihan na matambayan, sa McCafe kami muna tumambay at nagkape. Pero bumalik muna siya sa office niya para kunwari andun siya. Every 30 minutes bumabalik siya sa office niya and babalik sa McCafe para samahan ako. Nung una nasa loob kami ng McCafe, pero punyeta, nagpatugtog ng mga senti na kanta yung barista! Grabe, hindi ko talaga kinaya lumabas ako! So sa labas ako umupo and tumambay. Good thing dala ko ang INTPHIL readings kong 200pages. Salamat sa pagbalik balik ni Tom sa office niya at natapos ko ang binabasa ko. So yun, lumiliwanag na. May araw na. Marami ng taong nagsisiuwian. Si Tom parang nagCut sa trabaho. Ang saya saya kahit inantok na ko. So yun, sabay kaming umuwi. Nagjeep til Cubao. Bago kong natutunan yun Mr. T! May jeep pala na papuntang Libis galing sa Cubao and vice versa. Bagong natutunan from Tom! Ngayon kahit di na ko magpahatid or taxi pagpupunta dun --- hahaha. Yun sa harap ng jeep kami sumakay. Buti may dala kong jacket dahil ang lamig ng hampas ng hangin. So yun, medyo nakalimutan ko mga nangyari sa kin kahapon. Sobrang salamat kay Tom. Ang bait bait niya grabe. It was worth the puyat :)

Currently listening to: Pilgrim's Theme by Bukas Palad
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on March 15, 2008 at 02:19 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

oreo (guest)

Comment posted on March 16th, 2008 at 11:24 AM
Glad you're feeling better :3

subtlebliss (guest)

Comment posted on March 16th, 2008 at 03:13 PM
Thanks Miguel! :) Yeah, somehow. I really needed someone to talk to that night. Hahaha, grabe basa ka ng basa ng kadramahan ko nakakahiya. \
Comment posted on March 16th, 2008 at 10:04 PM
Actually, I'm not very fluent with Filipino, so I didn't understand quite a number of sentences.

I did get the part where you spent 100 pesos for bottomless iced tea. Nice move. XD

subtlebliss (guest)

Comment posted on March 17th, 2008 at 09:10 AM
hahaha.
it's a good thing. you can learn your Filipino from me and I'll learn English from you. :D
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.