Silent Retreat
Nawala antok at pagod ko Mr. T! Just got home. Kumain kami salabas ng family with Tita Nene and Manang Luz plus Thelma and Wyna (2 kasambahay ni ate.) It was Emo's graduation pala kanina that's why dined out. Ayun, sa Max's Sct. Tuazon kami kumain. As usual lamon na naman ako. Sobrang tahimik ko kanina habang naguusap ang buong pamilya. Para akong may sakit. Tapos tungkol pa sa mga magkukulam pinaguusapan kanina habang naghihintay ng order. Nagsalita naman pala ko kanina habang naguusap usap sa hapag-kainan:
Ate : Maghoholy week na san kaya okay pumunta?
Mama : Di ba nakapunta ka na dun sa Mindoro?
Ate : Oo, kaso di maganda dun
Tita Nene : Dun na lang kina nanay sa Catanduanes. Iniimbita nga tayo di ba ni Ester
Erwin : Mga beach sa North magaganda. Hindi nga kayo pumunta sa Sipocot nung binyag ng anak ni Uday eh gusto niyo pa magBicol
*Sabay hirit ako*
Jacob : Ang lalayo naman ng gusto niyong puntahan nakakapagod. Kung magsilent retreat na lang kaya tayo
*There was silence. Tumingin lahat sa kin*
Ate : Sige kaw na lang para maliwanagan ka!
Pft! Masarap din naman minsan manahimik ha! Minsan na nga lang ako magsuggest tinawanan pa ko. Hmph! Seryoso ko nun ha!
Anyways, after nun dapat pupunta kamin Oceanarium dun sa may Luneta. Kaso til 9pm lang pala sila. So umuwi na lang kami agad.
Sa school naman, had INTPHIL, tapos gawa METHODS, then PRTEMAN then gawa METHODS. From 9am - 5pm gumagawa kaming METHODS. Buti nakapagmock defense kami kanina! And Doc Loyd loved our framework this time. Sana this is a good sign that he's gonna pass us na! I feel positive naman na papasa na kami. Hello programming pagnapasa na namin toh!
Eto mga tumatakbo sa utak ko kanina habang gumagawa ng METHODS:
Java, SQL, C++, C#, Access, ASP, .NET, VB.NET <--- ang nerd shet! Ayoko ko magprogram I swear! Simple lang naman gusto ko gawin eh, maging isang STAR! Hahahaha! Ayoko talaga magprogram! Tatanda ako ng maaga at papangit ako! Baka hindi na ko magkajowa nito! Hahaha...
So yan mga nangyari ngayon Mr. T! Nawala talaga antok at pagod ko ano ba toh! Ang lakas lakas kasi ng volume ng TV sa kotse kanina parang mga bingi lang yung mga tao!
Napanood ko si David Archuleta kanina sa American Idol! Pero sabi ni Simon: "Hot mess" raw performance niya. Si Malubay naman, "Bored to death". Naku, sana wag muna sila matanggal! Hay, 2 paborito ko sila eh. Anyways yun, sige update you soon Mr. T!
Note: Kanina pa ko naeLSS sa Hallelujah ni Jeff Buckley! Shete! Ayaw umalis sa utak ko!!! Ang haunting pa naman nung song... yay!