Kaya Mo Ba?
Hindi ako makatulog ngayon. Inaatake na naman ako ng aking insomia. So nagbabasa na lang ako ng kung kani-kaninong blog. And then I bumped into Benson's blog and may nabasa akong isang maiksing entry about how words can change meanings from person to person. So gusto ko rin tuloy magshare.
Ang mga salita puwede magkaroon ng maraming kahulugan bawat tao. Siguro ganun talaga, depende sa sitwasyon at paano mo pakikitunguhan ang sitwasyon. Naisip ko lang halimbawa: Kaya (puwede, maari)
Pag hindi mo gusto ang isang bagay o problema pero kailangan mong gawin o gusto mo na lang sumaya o para iwaksi mo lang yung hirap na nararamdaman mo, karaniwan sinasabi: "Kinakaya ko pa naman"
Pero kung ang isang bagay o problema ay yung tipong gamay mo na, o gusto mo talaga at may buong-loob kang tapusin ito kahit mahirap, karaniwan naman, ang sinasabi: "Kakayanin ko to"
At kung sanay na sanay ka na sa mga bagay at problemang humahambalang at hahambalang pa sa iyong daan: "Kayang kaya ko to"
Pero ang tunay na tanong: Kakayanin kaya ng puso ang kinakaya ng utak?
Tinatanong ko ang sarili ko ngayon: Kinakaya ko pa naman? Kakayanin ko to? o Kayang kaya ko to?
At ang sagot: Hindi ko alam... :(