Sarap pala ng Coke Zero Mr. T! Akala ko parang gamot yung lasa ala Coke Light --- I was mistaken. Mas okay siya compared sa Pepsi Max or maglasa lang sila...hmmm... but anyways, galing kaming MMDA (again!). As usual magulo yun office ng MMDA. Ayun, nauna ko pumunta dun! 2 oras late mga groupmates ko! 12:00pm raw magkikita pero 2:00pm na kami nagkita-kita. Then, si Mighty sumunod, tapos si David sumabay kay Sheila sa kotse, galing silang school. Ayun, ang taas ng overpass sa may Guadalupe station ng MRT. Tapos yun, nakabili pa ko tuloy ng case para sa phone ko. After 2 years nagkaroon din ng bagong casing ang phone ko. Then lakad papuntang MMDA. Tapos while waiting, kumain muna kong hopia and Coke Zero. Iba talaga yung hopia ng Tipas compared sa Eng Bee Tin! Mas feel ko talaga ang hopiang pangmahirap! Tapos yun, kumpleto na rin kami sa wakas.

Then sa loob ng MMDA,  parang may party. Parang hindi nagtratrabaho mga tao. May pansit pa ng free for all employees ata. Basta, ang gulo gulo. Tapos naginterview na kami. Grabe Mr. T! Pagulo na ng pagulo ang gagawin naming systems. Hindi pa magkasundo si Sheila and David --- hay --- hilong hilo pa ko kanina dahil wala akong salamin. So yun, binaba kami ni Sheila sa Shangri-La. Hinatid ako ni Mighty sa MRT station then uwi. Hilo pa rin ako Mr. T!

Narealize ko tuloy na pagnagtrabaho ka, you don't actually work eh.Pagnagwork ka, naghihintay ka lang ata ng uwian.Naisip ko kanina,

9:00 am - Time In

10:00 am - Puntang pantry, break time

11:00 am - Nagiisip na kung san kakain

12:00 pm - 1:30 pm - Lunch Break

3:00 pm - Puntang pantry na naman, break time

5:00 pm - Uwian na

Di ba kaaliw? Yung mga hindi nabanggit na oras diyan yun yung mga oras na nagtratrabaho lang siguro. Plus chikahan pa yun and daldalan and chismisan! Sana I'm right para hindi ako mabore pagnagtrabaho na ko --- hahaha.

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on February 22, 2008 at 05:38 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.