Chicken Noodle Soup
Yan ang kinain ko sa Pho Hoa kanina. Grabe, ang dami dami naming kinain kanina! Busog pa rin ako until now. So yun, sobrang na cut short ang PRTEMAN since may gagawin yata si Sir. And yey! Nakasagot ako kanina sa graded recitation. I uwasn't able to attend INTPHIL nga pala. Buti na lang sabi ni Maruel hindi nagcheck ng attendance si Sir. And then we met up with Matty sa Gox Lobby, ganda ng laptop niya! Toshiba na Tablet! Shux! Nakakatuwa! Pero hindi namin magamit dahil wala yung pen so keyboards and mouse na lang yung pinakialamanan namin. Tapos yun, pumuntang SM Mall Of Asia. Okay kasalanan ko kung baket kaming 4 nina Aubs, Tin and Deck napadpad dun! Akala ko kasi ngayon yung registration nung Pinoy Idol! Bukas pa pala! Sabi nung guard dun 10,000 na tao lang ang limit so dapat maaga ako bukas. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ako bukas dahil maraming gagawin bukas... hayz. Sad sad. Anyways bahala na. So yun, nung napagod kami kakahanap dun sa SMX at after naming mahanap, kumain kami sa Pho Hoa. Super order ang lahat na parang walang bukas. Para kong masusuka sa kabusugan kanina Mr. T! Naku talaga! Takaw takaw namin. Dami ko rin nainom na tubig! Buti na lang maraming cash na dala si Aubrey and Deck at nakautang kami ni Tin sa awa ng Diyos... hahaha. Hindi sana uutang si Tin kung puwede yung card kanina dun. Then yun, lakad lakad tapos tumingin si Aubs ng pangreregalo sa anak ni Smaht. Pero di naman kami nakabili. So yun, binalak na lang namin umuwi kaagad dahil may gagawin pa ko sa EBISNES. Oo! Yung website! Grabe, kaya ko toh! I should have done this last week or yesterday or the past days pero ang tamad ko kasi. Pero okay lang nakahanap na ko ng pagagayahan --- hahaha. Siguro mga 3 hours sana matapos ko. Buti wala pang programming part Mr. T! Si Deck na ang bahala dun. So yun, weird ng panahon, umuulan na umaaraw. Baka may kinakasal na tikbalang... hahaha... sabi di ba ng mga matatanda yun? Hahaha... mga matatanda talaga. Anyways yun. Update you soon Mr. T! Ayt? Sige sige... :)
Epilogue:
Linawan ang mga mata! Hindi ito bastos! Bastos lang ata talaga utak ko. Pero baket ganito ang catch phrase ng Blast prepaid internet card??? Parang may subliminal meaning talaga eh wah...

mikhailnovich

subtlebliss (guest)
gerjek

subtlebliss (guest)
gerjek
