February 19, 2008
Back From Being Private
Okay, maraming nagtanong kanina baket ginawa ko raw private yung buong blog ko, well I needed to because of a specific post. I really can't decide whether or not to post it publicly or privately. I was so emotional last night di ko alam baket. Minsan siguro mahirap din talaga pag laging nakikita ng mga tao yung kulit side mo. Yung happy side, yung insensitive side at lahat ng side kung san parang wala kang paki sa mga sinasabi at ginagawa sa yo ng ibang tao. Childish ako alam ko, pero hindi ako isip bata. I know how to act and think my age. Marunong ako lumugar. Hindi siguro madalas nakikita ng tao sa kin yun dahil yung masayahing Jacob ang lagi nilang nakikita. Yung isip bata, yung majoke. Parang pag ikaw si Jacob, wala kang karapatan masaktan or malungkot at maging seryoso. Wala ka na rin karapatan maging sensitive. Siguro kasalanan ko rin kung baket ganun na lang tingin sa kin ng iba kung yun lagi kong pinapakita sa kanila. Ang drama ko shucks. Hay...minsan parang ang sarap maging bata na lang tuloy, pag nasugatan at nasaktan sila, iiniiyak lang nila tapos wala na. Sana ganun na lang kadali lahat, nadadaan sa iyak...