LEAP.Marikina.Luis
Ayun, nagtext si Luis na nasa school raw siya. Sabi ko kung makikipagkita ba siya sabi niya sige. So yun, nasa Jollibee kami nina Aubrey and Tin, sumunod si Barry. Haba ng pila. Wala pala akong INTPHIL kahapon grabe ang aga aga ko pa pumasok. Pag may pasok di naman ako nakakapasok! Tsk, nakakaasar naman. So yun, tambay sa lab buong time.Bago ang mga PC sa Lab! After 4 years! Dual Core 2.00GHz. Social di ba? Tapos kumain sa C2 mag-isa. PRTEMAN naku, CPM na naman! I hate this topic! Hindi talaga ako magaling sa Math Mr. T! at alam mo yan hayz... anyhows... yun... hmmm... balik tayo sa Jollibee.Ayun, dapat di ako kakain, napakain tuloy ako dahil ayokong magmukhang kawawa sa harap nung 3. After eating, nagStarbucks naman kami. Si Aubrey gusto lang magWaffle kaya tumambay muna kami. Rubic's cube --- yan mostly ginawa nilang lahat nung nasa Starbucks kami. 5x5, 3x3 --- bigyan ko kaya ng 100x100 mabuo pa nila? Bitter ako kasi hindi ako makabuo! Hahaha --- so yun, si Luis dun na sumunod sa Starbucks and sumabay na rin siya sa aming 3 ni Tin and Aubs magLRT, si Barry may class.
Akala ko nagjojoke lang si Luis nung sinabi niyang sasabay siya sa LRT2, grabe sumabay nga. Sumama raw ako sa kanya sa Gateway dahil malapit lang naman daw ako, so sabi ko sige. Pero while inside the train, he was showing pictures of him and his bf sa Pangasinan nung weekend ata. Sweet nila together parehas kalbo. Ganda pa nung mga lugar na pinagpicturan nila and sabi niya mura raw dun sa resort na yun. So bali yun Mr. T! Nagikot ikot kami sa Gateway, dapat bibili siya ng headphones w/ mic para sa PC pero OA yung CDRKING. NagNokia Center kami, pinakita niya sa kin mga phone niyang nawala tapos naisipan naman niyang magTrinoma. Sabi niya sama raw ako so sabi ko sige since wala naman gagawin sa bahay. Yun, then took the MRT and off to Trinoma we went. Bago pumasok ng Trinoma, nagHotdog muna si Luis --- paborito niya raw yun. I really don't want to think that he has implying something --- hahaha. Then after nun sabi niya Starbuck's muna kami, so yun, kinokompleto niya pa rin yung organizer stickers, so naka2 siya kahapon dahil nilagyan rin siya ng isang beses pa because of my drink. So yun, sa labas kami nung Starbucks. Usap usap, kuwento kuwento. While talking, parang kausap ko sarili ko. Isa siyang clone ni Jacob pero mas masaya and funnier and wittier and louder. Walang time na bumanat siya at hindi ako natawa. Grabe, masaya siya kasama. Tapos yun, nagTimezone kami afterwards, naglagas na naman ng pera. Tapos, nagVideoke since may mga lumabas fromt he Videoke room. Grabe, ang ganda pala ng boses niya. Choir pala ang mokong. Kaaliw, his speaking voice is so different from his singing voice. Lalaking lalaki ang singing voice niya. Mala Josh Groban ganun. Nakakatuwa. We ended the day the videoke session with The Prayer at abot niya. Galing galing talaga. Nagkakacrush talaga ko sa magagandang boses. So yun, tapos nagyosi na naman siya bago kami umalis and then hinatid niya na ko sa MRT. Then uwi and sabi pupunta raw ng Marikina.
So yun Mr. T! Yan mga nangyari kahapon at ngayon. Sorry Wasn't able to update you. Tumawag si Rhitz and Barry kanina sabi sa Thursday alis daw kami. Sabi ko okay. Si Chris naman sa Friday. Sana lang talaga matuloy ang lakad ko sa Thursday and Friday :) Parang ang dami kong pera noh? Hahaha. And oh, si Jeffrey bumalik ng Taiwan, sad sad sad. Sige Mr. T! love you. Mwah!