Hello Mr. T! Ano ba mga nangyari sa araw na toh... hmmm... ayun, kauuwi lang nagbus kasama si Barry dahil sarado na ang MRT. Galing pala kaming Trinoma. Siyempre, hindi lang kami ang magkasama, ano ito? Date namin? Siyempre, date naming 4 --- aking mga Super Friends. Galing kaming Trinoma nina Rhitz, Barry and Jeffrey.

          Since si Barry may class til 5pm, kaming 3 na ang nauna sa Trinoma. As usual nahuli na naman ako. Si Rhitz and Jeffrey nauna na dun. Mas malayo pa sila sa kin from Trinoma ha. Ako jeep at MRT lang. So yun, forever ata kaming nasa Timezone the whole time kaming naghihintay kay Barry hanggang dumating si Barry nagtaTimezone pa rin kami. Hmmm... pero bago yun, kumain muna kami sa foodcourt nung naghihintay pa lang kami for Barry. Ngayon ko lang nalaman na may foodcourt pala ang Trinoman. Hahaha. Ayun, si Jeffrey nagshawarma, kami ni Rhitz hotdogs from Homerun. Busog pa talaga ko Mr. T! Dahil may napansit ako sa drugstore at saging na minatamis bago pumuntang Trinoma. Anniversary raw nung Planet Drugstore sabi ni ate kaya may pamerienda. Tapos nun, tinour si Jeffrey sa Trinoma. Gustong gusto namin magVideoke sa TImezone pero mukhang hindi magpapaawat ang mga tao dun sa mic eh. Bawat room puno and may mga reservation pa. Nung dumating na si Barry, nagisip kami kung manonood kami ng 27 Dresses or not. Pero sabi ni Barry kain muna kami. So yun, sa Pizza Hut Bistro kami nauwi. Naku, ang init sa lugar na naupuan namin Mr. T! Ayun, to make it short, parang nagdinner kami ng tinapay at tinapay lang. Tsk tsk. Si Jeffrey naguwi nung mga tirang pizza. Hindi talaga ko mahilig sa pizza. Tapos nagTimezone na naman. Si Barry naaliw sa Fast and Furious. Hahaha! Tapos nakatopscore kami sa Photo 2k! Nasa Multiply ni Jeffrey yung proof. So anyways yun. Ewan ko baket mga pamilya ni Rhitz and Jeffrey nasa Trinoma rin. Hahaha... cool noh? Si Rhitz umuwi with his dad and si Jeffrey naman kasama kuya niya and yung gf ng kuya niya. And kami ni Barry nagbus! So yun, hmmm... ano ba. Sayang talaga hindi kami nakapagvideoke. Sa Galleri hindi rin. Tsk tsk tsk. Sayang ang stay ni Jeff dito. But anyhows, babalik pa naman siya. Marami pang times na puwede magTimezone. So sige, yan muna update ko. Nagkita pala kami ni Katrina pagkauwi ko Mr. T! Andito siya sa San Juan ngayon. As usual landi pa rin ni Katrina. Hahaha... sige sige Mwah!

P.S Iba pala ang Airbus sa Aircon Bus --- hahaha.... Aircon bus malamang may aircon. Airbus, air ang gamit na pampalamig! Salamat kay Jeffrey for the new word! Hahaha....

Currently listening to: Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pagibig sa transistor ni Sheila
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on February 8, 2008 at 11:09 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.