Hello Mr. T! Just got home. Galing kaming Galleria nina Rhitz and Jeffrey. Well si Barry umuwi nang maaga dahil may family dinner sila for the Chinese New Year. So yun, masipag ako mag-aral hulaan mo na lang kung baket. Ayun, sa Galleria naman pala magkikita sana hindi na ko tumuloy sa La Salle at dumirecho na lang dun isang jeep lang. Pero yun, nagkita kami ni Barry sa Taft. Tumambay sa KFC. Nauwi sa McDonald's. Nakasaksi ng naisnatchan. Hindi nahuli yung snatcher. Tapos sinundo ni Rhitz. Traffic exaj sa EDSA and sa ORTIGAS CENTER. Buti may dalang crackers si Barry. Hahaha. Tapos mineet si Jeffrey sa Movie House. Gusto niya manood ng Roxxxane. Kaso 1 hour na lang uuwi na si Barry. So kumain na lang kami. Si Jeffrey, strike 3 na talaga. Tinalsikan na naman ako ng laway sa mukha. Hindi lang simpleng laway. Bulto bultong laway. Nabadtrip ako. Buti may Alcogel siya. Tapos yun, kumain sa Kitchen. Snack lang. Ang mura talaga sa Kitchen, malaki pa servings. Tapos si Barry umuwi na.

          Kaming 3 naiwan. So nagTimezone kami. Ayun, lahat ata ng games na laro namin. Pati Dance Dance Revolution, wala kasing Dance Maniacs eh.  Sayang hindi kami nauna sa Videoke rooms tsk, wala ako kasi sa mood nung una eh, pero narealize ko Timezone yun at may Umbrella. So yun, nung napagod, naisipan namin na manood na nga lang ng Roxxxane. Sabi ko hindi naman magagalit si Barry since ayaw naman niya talaga panoorin yun. Gusto niya 27 Dresses. So yun, pinanood namin. Welcome to fantasy talaga yung Movie House. Puros bakla malamang. Weird movie. Hindi ko feel. Basta moral, wag masyadong mahilig sa mga Scandal at kung anu-ano pang related dito dahil nakamamatay --- hahaha. Basta ganun. Tapos yun, kumain kami sa KFC nung pauwi na. Then ayun, uwi, si Rhitz hinatid si Jeff til Ayala, ako nagJeep na lang. Nakita ko pa sa Galleria kapitbahay namin, bakla pala siya. Puros bakla kasama niya kanina. Ayun Mr. T! Ano pa ba, sila Mama pala kahapon/kagabi mga 3am na nakauwi dahil dinala si Tita Nita sa ospital. Ewan ko ba. So yun, nung umaga pala pinapunta ko ni Mabel sa kanila kasi yung SmartBro kinabit na, pero babalik tomorrow dahil may hindi pa activated dun sa office ng Smart. Ayun, pinaputulan ko na rin ang aking White Pants. Hmmm... ano pa ba... ang labo nung ulap kanina, kala ko uulan hindi naman pala. Wala kaming nagpresent sa EBISNES kumusta naman. So yun Mr. T! I'll update you soon ayt? Hehehe --- mwah mwah!

P.S. Nababahala ako sa Aneurysm shux. 2 na namatay sa school dahil diyan. Stress daw at high cholesterole raw. Nyay!

an·eu·rysm [ánnyə rìzzəm]

(plural an·eu·rysms) or an·eu·rism [ánnyə rìzzəm] (plural an·eu·risms)

noun

bulge in artery: a fluid-filled sac in the wall of an artery that can weaken the wall

[15th century. < Greek aneurusma "dilation, swelling" < aneurunein "widen out" < ana- "through" + eurus "wide"]

Microsoft® Encarta® 2007. © 1993-2006 Microsoft Corporation. All rights reserved.

Click here to know more about Aneurysm.

Currently listening to: Without You by Clay Aiken
Currently reading: Michael Co's YM Window
Currently watching: Bandila
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on February 7, 2008 at 11:46 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.