Grabe Mr. T! Ayaw ko na tumawa. Sobra na grabe na!!! Masakit na tiyan ko sa sobrang tawa nung pauwi kami kaninang 2 ni Aubs and Tin. Napagkamalan ata akong baliw ng mga tao. Yung mga tao nagsilayuan kanina grabe. Nauna pa maglakad si Tin and Aubs kaya parang tumatawa ako mag-isa. Grabe, hanggang sa LRT hindi ako makaget-over sa kuwento ni Aubrey ano ba yun. Buti na lang nakatulog na ko at medyo over na ko sa kuwento na yun.

          So yun, as usual late ako sa EM-TECH --- grabe ilang lates na ba ko dito. Tapos yun, lunch sa Andrew. Pero nagmeeting muna kami mga METHODS groupmates ko. Tapos yun, nakita ko sina Sherry, Mouse and Beck sa Amphi. Nagpapasa na sila ng mga resume sa Job Expo. Wah --- naiinggit naman ako. Ngayon ko lang rin nalaman na ang Web Designer ay iba sa Web Programmer --- hmmm... marami tuloy akong naisip. Anyhows, yun, tapos had EBISNES. Si Jobet nakiseat in sa class namin kanina. Tinatamad na rin pumasok sa 2:40pm class. Ayun, grabe nagquiz kumusta naman. Wala kong alam. Yung quiz dapat kasi nung first week pa nung class. Tapos yun, wala na, nagYM na lang ako sa laptop ni Deck nung consultation time na sa EBISNES. May isusubmit sa Thursday pala at graded tsk tsk. So yun, tapos uwi na and the SUPER DUPER laughtrip nagsimula na. Grabe, sa sobrang tawa inantok ako. Dapat sasamahan ko si Tin sa Gateway pero sobrang inantok ako katatawa. So umuwi na lang ako at natulog.

          Ay, grabe, may hindi ako kinaya sa loob ng LRT2! May 2 magsyota --- mukhang mga Salbakuta talaga pero take note! Slang ang englishing nila! As in! Laking Tate ata! Dahil dun --- hindi na sila Salbakuta --- Soulja Boy and Girl sila! Hahaha --- si Tin ayaw pa maniwalang nosebleed yung dalawa. Grabe ang sama ko talaga Mr. T! Ayun, nagising ako 6pm tapos pupunta dapat kina Karol pero tinamad ako. Hahaha --- bukas ko na lang idadaan sa bahay niya yung DVD na binurn ko. Pupunta rin naman kasi akong Greenhills tomorrow eh.

Bonus:

Paul: Uy! Happy twenty-second birthday!!! (22nd)
Friend Ni Paul: No! It's twenty-oneth (21th)

Ano Raw???

Classmate namin sa EBISNES na nagulat sa kuwento ng isang friend niya. Sa sobrang arte magsalita nabisaya tuloy:

Classmate: Really??? Are you SIRIOS???

Serious dapat masyado niya lang napaslang!!! hahaha!!!

Aubrey: Yung friend ko tinanong yung isang friend ko kung ano raw pinagkaiba ng sariling sikap sa sex. Yung isa kong friend galit pa na sinabi "Baket, nakakain mo ba yung puke mo???"

Hahahahaha ---- the best!!! Yan ang dahilan kung baket ako mamatay matay sa katatawa kanina! Si Tin pinaiimagine pa sa kin yung kwento na yan dun sa mga Soulja Boy and Girl --- Ew!

          Sige sige I'll update you soon Mr. T! Ayoko na tumawa shux napapagod na ko! Para tuloy akong baliw nito. Ayaw ko na talaga! Muntik na ko malagutan ng hininga kanina katatawa. Ahahahaha!!! Mwah!

Currently listening to: Big Girls Don't Cry (Remix) by Fergie feat. Sean Kingston
Posted by jjcobwebb on February 5, 2008 at 09:46 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Aubrey (guest)

Comment posted on February 6th, 2008 at 07:09 AM
HWHAHAHAHA. langya ka bat parang naging super laswa na ng kwento q pag binasa na hahahaha.. ESKANDALOSA KAAA.:))