Ayun Mr. T! Had EM-TECh as usual. Hindi ako late. Reporting lang about Business Intelligence. Tapos went to meet up with Aubs and Matty sa South Conservatory. Andun sila since hindi sila nagsipasok. Hmmm... buti si Deck dala niya laptop niya, ayun ginawa namin yung EBISNES proposal. Hmmm... tapos si Luis nagtext and sasabay raw talaga siya maglunch. Kala ko nung sinabi niya nung umaga yun joke joke lang. Ayun, sabi ko sumunod siya sa may convserv. Sumunod nga. Ayun, nakablack shirt, skinny jeans, kalbo and take note --- nakacontact lense. Hahaha --- ambakla lang di ba? Mukhang lalaki naman pero hintayin lang talaga magsalita. Gwapo sana sayang. Hahaha--- anyways yun. Gumawa muna kami nung project habang nakikigulo rin si Luis. Sobrang fun ni Luis kabaliw.

          So yun, around 12pm naglunch na kami. Sa Andrew Canteen na naman kami kumain. Parang nagiging favorite canteen namin toh ha. In fairness naman, maganda naman talaga yung canteen na yun. Si Luis, walang ID, hindi kasi enrolled for this term magLOA kasi siya. Pero buti may pass naman siya. Ayun, had sinigang sa miso, tapos sila Bbq and si Luis, sizzling sisig. Ayun, yung canteen may buffet na naman. May convention na naman siguro. Nakita pa namin si Ms. Pineda dun. Ayun, kuwentuhan, kulitan. So yun, magwa 1pm na, ESBISNES na. Si Ms. Pineda nakita na rin namin umalis nung canteen. So yun, si Matty gusto magFlyff and since ako wala rin sa mood magEBISNES, ayun, sabi ko sasama na lang ako kay Matty. Ayun, super hintay kami dun sa elevator. Si Luis feeling niya hindi na siya kasya dun sa elevator so from 5th floor nagstairs siya. Hinintay ko pa tuloy siya dun sa ground floor. Then pinaprint na namin yung Proposal tapos si Luis, since kailangan niya pumunta sa D.O., we parted ways na rin dun sa EGI. Si Deck rin tinamad pumasok, so si Tin and Aubrey ang representative sa EBISNESS.

          Ayun, sa JetSearch kami sa may Sherwood naglaro ng Flyff. Twice ako nagpalit ng terminal since laging nawawala yung connection ko sa net. Ayun, si Deck sumunod dun. And then wala pang 2pm nagtext na yung 2 babae kung asan raw kami. Ayun, nagCerealicious yung dalawa, sumunod naman kami. Hindi ako nakapagFlyff ibang room kasi yung character ni Matty eh. Tsk, anyhows yun. Usap and bonding sa Cerealicious. Sila Tin naman sabi ang cute raw namin ni Luis together. HELLO????!?!?! C'mon naman. No comment na lang talaga ako dun. Umuwi na rin kaming maaga. Si Matty gusto magGreenhills pero buti hindi natuloy. Inaantok na rin ako.

          So yun, pero nung nasaLRT kami, bumaba kami ni Tin sa Carriedo. Dapat titinginako ng DVD. Kaso shete, wala na yung mga nasa gitnang stalls. Tapos yung tinitignan pa naming isang grabe, niligpit agad yung stall niya kasi may pulis raw. Sayang, yung concert pa naman ni Mariah yung pinalalabas. So yun, first time pa lang pala ni Tin makapuntang Quiapo. Grabe, ang yaman talaga. Wala riin kaming nabili. Parang nagtour lang. Sabi ko kay Tin may building dun na puros pirated binebenta kaso mukhang natatakot na siya sa Quiapo so hindi ko na lang pinunta dun. Ayun, nilakad namin til LRT2 then uwi na.

          Ayun, natulog muna ko and eto, asa van kami ngayon. Ihahatid si papa sa airport. Walang magawa dito puros matatanda naman kasama. Si Lola, yung alalay niyang si Toochie, si ate, mama and manang Luz. 10pm ang flight. Traffic pa dito sa Quirino. Sana hindi kami magtraffice sa South. Sige sige Mr. T! Update you soon okay? Mwah!

Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on January 31, 2008 at 07:57 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.