Happy Birthday Papa
Hello Mr. T! Kauuwi lang namin galing kung san san. Pero bago yun, kuwento ko muna mga nangyari ngayong araw na toh. Ayun, late for EM-TECH. Nasira pa yung train kasi sa may Tayuman station pero buti naayos agad kaya mga 20 minutes akong late. May dala kong cartolina and Manila paper kasi may groupwork. Ayun, pinagawa kami ng A.I. for classroom. Ayun, yun naassign sa amin. And then after EM-TECH tumambay muna sa Gox. Andun si Neil and Jobet nakikibonding din habang nagkukulay kami ni Tin ng gown. And then si Deck umuwi, kumain kami nina Tin and Aubs sa Andrew Canteen. Barbeque lahat order namin and sabaw ng Tinolang Manok. Tapos tinapos yung EM-TECH project. Kagroup ko pala dun sina Mae, Rick, Ryan, Abby etc. Tapos yun, naghintay kay Ms. Pineda for EBISNES pero absent siya. Habang naghihintay pala nakiupo muna ko sa lobby kina Beck, Omai, Jerk, Japet, Marco and Hazel. Hahaha, kinukulit ko kung si Hazel na ba and Japhet. Shucks, CSE people. Anyhows yun, after nun kinuha na naming 3 nina Aubs and Deck mga X-ray namin. Clear naman yung sa amin ni Deck pero kay Aubrey may nakita. Nakalimutan ko yung name nung nakita masyado kasing scientific. Anyhows yun and then uwi na. Sa LRT2 grabe ayaw tanggapin ticket ko. Pinatry tuloy sa kin lahat ng gate, parang laro lang buti may isang gate na tinanggap yung ticket ko and magkabilaan pala talaga kami ni Tin na gate na pinasukan. As usual, tulog pagkauwi and then pagkagising, si Ate pumunta sa bahay para sunduin kami dahil magcecelebrate ng birthday ni itay hahaha. Ayun, buti si Bruno nakahabol. Galing Batangas kasi may community service dun. Tapos yun, kasama si Lola, Tita Beth, Manang Luz, Erwin, Ate, Mama, Papa and si kuya Joel nagdrive pumunta kamng Harbor View. Walang batang sinama. Sayang wala si Kenneth at Mabel para super happy family kanina.
Ayun, grabe, busog na naman ako as usual. Dami naming kinain --- Crispy Pata, Pansit, Java Rice, Rice, Sinigang Na Bangus, Crunchy Pusit, Kilawin, Puso ng Saging na ewan ko kung ano yung pagkaluto. Ang dami dami talaga. As usual busog na naman ako. So yun, dapat dun kami magdedessert pero feeling ni ate hindi masarap ang cake dun kaya sabi niya sa Manila Hotel na lang kami magdessert. Ayun so dun nga kami nagdessert ng Ube Cake. Sabi ko yung Blueberry Cheesecake na lang kaso maliit lang eh kaya yung Ube Cake na lang. Ayun, okay naman, si Lola as usual laughtrip. Laging masaya pag kasama si Lola. And then yun, ikot ikot Manila Hotel tapos umupo sa may pool at nagkwentuhan muna. Nakita si Hagedorn and Echeveri. Exaj mga press talagang super habol kay Echeveri. And then yun, next stop sa ospital para bisitahin si Tita Nita. Pero una hinatid muna namin si Erwin sa bahay nila. Hindi na siya sumama sa ospital.
Ayun, sa Marikina Valley Medical Center nakaconfine si Tita Nita. Grabe, gusto ko talaga maiyak nung nakita ko si Tita Nita. Sobrang pumayat siya from the last time I saw her. Iba talaga eh, grabe talaga hindi ko madescribe ang feeling. Alam mo sa totoo lang, parang hindi na siya aabot ng isang linggo. :( Hayz, basta yun, andun si Tita Grace nagbabantay, kasama si ate Katherine and Kuya Michael. Nakakulungkot. Sabi ni Tita Nita kay Lola na pagod na raw siya. Ang bigat talaga ng mga eksena kanina Mr. T! Nakarespirator na siya, may catheter pa. Hayz, nahirapan pa siya huminga. Nagkakatubig na rin daw kasi yung puso niya. Ewan ko ba, basta nahirapan talaga ko tignan. Ayun, nung paalis na kami sabi ko sa kanya I love you. Baka hindi ko na kasi masabi. Ang bait bait pa naman ng tita namin na yun. Anyways si Lord na lang bahala this time. Siya lang may alam kung anong makbubuti eh. So yun, si Lola sabi lahat naman raw namamatay. Hari, archbishop, pari, presidente etc. Parang shooting lang raw yun, kanya kanyang way ng pagkakamatay. Sa totoo lang Mr. T!, hindi ako takot mamatay eh. Lahat naman kasi namamatay. Pero sana wag muna ngayon --- marami pa kong hopes and dreams eh. Ni hindi pa nga ako nagkakajowa! Amp naman Lord eh! Hahaha. So yun, sayang wala akong magagawa kung hindi magdasal na lang...as of now tumawag sina ate dito sa bahay, may umaaligid daw na lalaki sa bahay nila. Ayun, nagpapunta na si Mama ng tanod sa kanila. Update you soon Mr. T! And ugh... si Cyrus nagtetext na naman... ugh talaga...
Quote from Lola: "Ang kayamanan nawawala, ang kahirapan laging nanjan..." --- tama nga naman! Hahaha...
P.S. Mariah's new song should leak on the net today. To Mariah: Stop killing your fans from waiting... :P