Paikot Ikot Sa Makati
Hello Mr. T! Ayun, si Aubrey first time nagdala ng car!!! Yey! May company visit kasi group nila sa METHODS kaya siya may dala. So yun, INTPHIL muna, nanood ng documentary, Jesus Camp yung pangalan. Sobrang lamig nung classroom grabe. Tapos had PRTEMAN, ayun diniscuss lang ni sir chapter 3 and then groupwork. Grabe -10 kami sa groupHW dahil walang source and -10 sa isang groupwork dahil walang group number! Kumusta naman talaga. And then yun, naglunch sa Andrew Cantee. Nakadalawang Cream Puffs ako for dessert shux ang takaw ko. Tapos yun, kala ko hindi kasama si Deck, himala kasama siya. Tapos yun, si Matty hindi kasama kasi may class pa siya so ang groupmate nila Tin and Aubrey na si Jobet ang kasama. Ayun, nakapark si Aubs sa may EGI. Then off to Makati we go. Paseo de Roxas raw so ayun, akala namin alam namin ang daan pero hindi pala. Salamat sa mga puros ONE WAY na kalsada sa Makati, muntik na kaming mapadpad sa Sta. Ana. Hahaha! Ayun, nakaabot kaming Glorietta nagtanong sa isang guard pero ang labo nun direction niya. Pero buti na lang talaga napaAyala Avenue kami dahil andun may malaking PASEO DE ROXAS na sign. So yun, alam naman pala ni Jobet yung address nung company na Wide Out. Company pala ni Mr. Sipin toh. Ayun, una, nalamapasan namin yung 111 Bldg. so ikot ulit. Hahaha. Paikot ikot talaga as in. Pero buti yun, nakapark kami sa wakas sa likod ng building. Nung papasok na kami, bawal pala tsinelas and magpark dun sa pinagparkan namin. So, since si Tin and Jobet lang ang nakashoes, sila ang pumasok sa company at naghanap kaming 3 ng parking ang yes --- umikot ikot na lang kami sa Greenbelt. Grabe may malditang babae dun sa smoking area ata nung building. Maldita talaga yung itsura niya. Parang gusto makipag-away. So yun, sa may GB2 kami nagpark tapos kaming 3 nagpaikot ikot muna sa GB5 tapos GB3. Inaasar mga sarili nung pumasok sa Apple Store. Dapat kakain kami kaso exaj talaga, magtitipid nga kami di ba? Ayun, nagTimezone na lang kami. Videoke muna. Tapos mga after siguro 1 hour dumating na rin si Jobet and Tin. Ayun, nainterview na nila si Sir Marco. Nosebleed daw kasi mega-english. Ayun, laro laro muna sa Timezone. Nagsuper bike sila. Si Jobet pinatry ko yung boxing game pero hindi niya natalo yung high score sayang. Tapos nagDance Maniax ako mag-isa. Tapos yun, uwing uwi na ang lahat dahil antok na rin. So yun, hiniram pala ni Jobet yung battery ng phone ko kasi nalowbat siya so binalik niya nung papunta na kaming parking. Okay lang sa kin magpahiram ng phone dahil wala naman sa kin nagtetext huhu! Anyways yun, si Jobet naiwan dahil imemeet ata yung friend niya at makikisabay na rin. Tapos, kaming 4 bumalik na ng Taft. Ayun, traffic tsk. Nahilo ko bigla at sumakit ulo ko til now. Hmmm... ayun, kala ni Aubrey may left turn sa Vito Cruz, kumusta wala... sana hindi muna kami bumababa dun sa Pasay part ng Taft! Tsk... sarap sabunutan ni Aubrey eh! Hahaha. Ayun, kaming 2 ni Tin ngayon ang nagLRT lang. Dapat pala si Tin sasabay sa tatay niya umuwi pero ang bait niya at sinamahan niya ko pauwi pa rin. Tapos yun si Deck umuwi na rin sa kanila. Nagsiomai muna kami ni Tin sa LRT2 Recto Station. Nakakamiss ang Siomai House grabe. Sarap sarap talaga kumain dun. Tapos yun, pagkauwi ko tulog ako. Amoy insect spray pa kwarto ko talaga until now. Mga lecheng lamok yan kasi kagabi eh. So yun ang update ko ngayon Mr. T! Lesson of the day? Mas madali magcommute!!! Compared sa taxi wherein uupo ka lang and sasabihin kung san ka babasa driver di ba? Ganun kadali. Ang hirap magrunong runungan! May mga pictures pala ko sa phone ni Aubrey hahaha... hind pa nagoonline ang gaga. May mga dadalhin pala for EMTECH tomorrow and yung proposal sa EBISNES tomorrow na rin... sige sige. Sakit pa rin ulo ko. Update you soon ayt? Mwah mwah!!
P.S. Gusto ko ng masahe!!!! Kung puwede lang masahihin ang sarili