Hello Mr. T! Kagagaling lang namin ng Araneta and together with family minus papa plus manang Luz and Carmi, nanood kami ng Disney On Ice. Every 3 years pala bumabalik dito sa Pinas ang DOI. So to start, hinadtid kami ni Ariel papunta dun, traffic sa may Crame. So yun, maraming beses ko na napanood toh pero okay lang, I never got bored. Mahilig lang talaga ko sa Disney and mga musicals and spectacles. So yun, pero before nun, kumain muna kami sa Mandarin Hotel. Compimentary yung tickets namin --- thanks to Unilab. Anyhows yun, okay naman yung food na sinerve. Eh medyo pa6pm na so kailangan di namin magdali kumain and pumunta sa Araneta dahil 6pm yung starting. Hassle, naiwan kami ni Mabel sa labas dahil nahold kami since 2pm yung nakastate sa ticket na binigay sa min. Pinavalidate namin pero di na raw puwede pero buti binigyan kami ng Unilab rep so nakapasok kami. Hiwa-hiwalay nga lang. Pero habang show, tinabi ni mama sa kanya si Kathleen, katabi ko sina Emo and Kobe. So yun, di namin naabutan yung Lion King. 101 Dalmatians na naabutan namin, tapos sumunod dun Little Mermain tapos break. Tapos Peter Pan and then Lilo And Stitch yung huling palabas. Grabe sobrang akala nila Kobe and Emo yung nagplaplay as Peter Pan si Zac Efron --- hahaha --- kahawig and kaboses kasi. Speaking of HSM, sa July babalik ang Disney On Ice and HSM naman ang iprepresent! Natuwa naman mga pamangkin ko. Maganda pa rin yung Disney On Ice kahit yung mga kasama ko inantok. Grabe may popcorn dun nakalagay lang sa Disney na box 100php na! Mahal! Anways yun, mga 8pm na natapos yung show and then naghintayan kami sa labas ng Araneta. Nakita ko pa si Lance, highschool classmate ko. Nanood din. And then, ayun, umikot muna kami ng Rustan's. Ang dami gusto bilhin ng nanay ko buti na lang naisipan na ni Ate na kumain na. So yun, sa foodcourt kami kumain --- not again! Kahapon lang nasa Gateway ako tapos ngayon Gateway na naman and take note, Wendy's na naman. Ayun, pero iba na inorder ko, Classic Burger Biggies naman. Hahaha... so yun, tapos umorder pang Pizza Hut --- grabe takaw!Sina Kobe and Emo hindi naubos yung inorder nila kaya pala may Pizza Hut. So yun, naghintay kami ng sundo namin sa harap ng Shopwise. Si Bruno kasama ni Al. Tapos hinatid namin si Carmi sa bahay nila. Ayun, eto ko ngayon, 11pm na kauuwi lang.

Pahabol: Dapat sasama ko kay Karol sa Laguna kaso hindi natuloy sayang. Hayz.... and yes --- ang sarap maging bata ulit --- sana hindi na lang tumatanda ang tao para masaya...

Currently listening to: Breathless by Corinne Bailey Rae
Currently feeling: inis
Posted by jjcobwebb on January 25, 2008 at 11:31 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.