Ayun, hahaha, we survived the reporting sa EBISNES awhile ago Mr. T! I really thought that we're gonna screw. Thankfully, tinatamad si Miss kaya parang mabilisan yung class kanina. May sakit ata si Ms. Pineda. Anyhows, yun, late for EMTECH again. Sobrang isip ng isip about dun sa reporting while going to school. And then, may nagreport lang about Microprocessors sa EMTECH. Wala sina Tin, Aubrey and si Deck umalis gitna ng class. And then nung tapos na EMTECH, ako naman baba na sa lobby para gawin yung report. Buti na lang maparaan mga groupmates ko, nahanap nila yung outline sa net. Hihihihi --- galing. Binigyan lang ako ni Tin ng irereport: Internet, Intranet and Extranet. Siyempre alam ko na yun so habang gumagawa sila ng slides, 2 hours before the class, nagpasama ako kay Matty sa Accounting para tanungin about my METHODS refund. Ayun, mga March ko raw makukuha yung refund ko. 1 unit lang naman yung METHODS so mga 1K plus lang yun. So yun, tapos gawa gawa slides sa lobby. And then si Tin may bagong pinakilalang game --- Jojo's Fashion Show by Big Fish. Ayun, kani kanina lang may Gamehouse version pala yung game! Yey! May crack ako ng Gamehouse so unlimited gaming na naman toh. Ang bakla nung game Mr. T! Grabe! Pero sobrang saya. Dadamitan mo yung mga model according dun sa nakalagay na dapat idamit sa kanya. Example: Winter, Summer, Hippie... etc. Tapos dapat ayon dun sa weather yung mga damit na idadamit mo tapos igegrade ka! Aliw di ba. Tapos yun, 1 hour left, natapos din namin yung report. And then kain. Dapat sa Archer's place kaso parang puros frat mga tao dun, tapos sa La Casita kanina puros CS profs. So retreat --- sa Greenplace kami bumagsak. Ayun, nagmamadali kumain as in. Sumakit nga tiyan ko kamamadali. Anyways yun, tapos EBISNES na, nakaraos din. Buti hindi kami kinarne. Sabi niya baket kami absent lahat nung last meeting. Kala niya tuloy binoycot namin class niya. So yun, maaga ang dismissal. Tapos pauwi na, si Matty binalik na yung book tapos naiwan siya sa school dahil gagawa sila ng thesis ng groupmates niya. Ayun, hinuhukay na naman harap ng DLSU. Sabi ko... gagawan ng mga tunnel parang sa Mario tapos papasok na lang dun and then pagkalabas bahay na. Tapos weird, may nakasalubong kaming babaeng nakadamit ng Mario Bros. Wahahaha... what a coincidence. Tapos yun LRT na with Tin and Aubrey. Ayun, habang pababa naaliw ako sa bag ko dahil may Headphone chute sa gilid. So pinasok ko iPod ko sa bag tapos yung headphones nakalabas hahaha. Nagets mo ba? Basta ganun. Anyways, update you soon Mr. T! Love you mwah!
Currently listening to: How Sweet It Is (To Be Loved By You) by Marvin Gaye
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on January 22, 2008 at 08:57 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.