Kumusta naman talaga kanina Mr. T! Dapat sa Tulyase lang kami kakainn pero naisip ni Tin na sa AKIC canteen kami kakain. So nilakad namin. Naku! Closed! Tapos sabi namin Solomon's na lang. Naku! Closed din! Imagine mo naman! Minumura kami ng araw tapos mga usok ng sasakyan sagap din namin! Grabe talaga, so naisipan namin magtaxi pabalik ng DLSU kahit malapit lang naman. Exaj talaga yung SUN! Hahaha --- exaj din yun cab dahil parang pugon yung aircon sa sobrang init. Imagine --- nagmumura yung araw, masikip ang taxi, parang pugon yun aircon and  yes, pawis na pawis na kami. Sayang ang effort ko sa  hair ang outfit kahapon nalusaw lang. So yun, pagkalabas namin ng taxi mas malamig pa sa labas! So tambay muna Starbucks and then nauwi rin sa Jollibee yung lunch namin! Kumusta di ba!

          Pero before that, late ako for EM-TECH. Ayun, masaya na naman yung class dahil si Mr. Malabanan fun talaga. Tapos yun, hanap ng makakainan ng lunch (See paragraph above).

          Ayun, tapos lunch nga, si Matty may baong McSausage. Nagchickenjoy ako, si Tin ayaw kumain dahil ang laki nung inorder, si Aubrey Burger Steak and si Deck Chickenjoy din. So yun, tapos nagcut ako EBISNES, hahaha --- kaming 2 ni Deck gumagawa ng assignment dun and hindi na kami talaga pumasok and nainternet na lang sa lab. So yun, after EBISNES, nagLib muna. Grabe sira pa rin yung OPAC --- ano ito manual search sa Library? Wala man lang access cards ano ba yun. Pahirapan. Anways afterwards, bili muna ko hash brown sa Csquared tapos tambay Gox. Si Angelica may bagong boylet. Naku, ipagpapalit na ata jowa niya. Hahaha. Tapos yun, hinatid kami ni Matty sa Qurino with Aubrey and Tin and then uwi na. Cutie nung nakita naming taga San Beda ni Tin sa LRT2 kaso parang menor de edad --- hahaha.

          So yun. Sa Gilmore ako bumababa para magtanong kung san puwede ipaayos PC namin. So yun, may sunog sa isang gas station sa Pinaglabanan Mr. T! Sobrang traffic as in OA. Mga 6:30pm ko na tuloy nadala yung PC sa Gimore. So yun, babalikan ko raw bukas same time. Sana maayos. Anyhows, kakatapos ko lang magbantay ng drugstore. I'm off! Mwah!

Currently reading: Jeffrey's Email
Currently feeling: rushed
Posted by jjcobwebb on January 15, 2008 at 11:18 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.