Trinoma With Chris
Hey Mr. T! I'm alive. Hahaha, just woke up. Galing akong Trinoma kaninang tanghali and kasama ko si Chris. Anyhows, yun, sobrang antok ako gumising kanina, nalate pa ko nakakahiya. Hindi na fashionable ang pagiging late ko grabe na toh. Sobra na eh. So yun, bago pumunta sa Trinoma nagJeep and MRT ako. Sa jeep grabe may sobrang cute na batang babae tapos may hawak na teddy bear shux, ang sarap iadopt. Tapos sa MRT OA naman yung pila ng bilihan ng ticket. Naubusan pa ko ng load kaya nagpasave muna ko sa pila sa mamang hindi ko naman kilala.
So yun, dapat 11:00am kami magkikita, Chris was there ng maaga, ako 11:30am nakarating. Nagkita kami sa may Mister Donut and yun, umikot kami ng Trinoma. Ayun, usap usap, kuwentuhan, well, in my part parang the whole time ako lang ang nagsasalita. What's new Mr. T!? Di ba? Hahaha --- alam ko namang madaldal ako eh pero medyo nakakainis kasi sobrang tahimik ni Chris --- boo! Pasalamat siya at maganda ang smile niya! Hahaha. So yun, gusto niya manood ng movie, well so pumayag naman ako, at ako namili ng movie which was Sakal, Sakali, Saklolo. Tapos the movie was to start around 12:45pm, nakabili na kami ng tickets so we still had 1 hour left. Ayun, shucks, nakalimutan ko palang bayaran si Chris dun sa movie. Nawala sa isip ko shux talaga. Moving on, ayun, since 1 hour pa nga, kumain muna kami. Naku, nagtuturuaan pa kami kung sino mamimili kung san kakain so yung unang kainan na nakita ko dun na lang kami kumain --- sa Tokyo Tokyo. Ayun, nagdouble meal kami nung Pork Tongkatsu. Grabe, parang nag-ulam kami ng arina Mr. T! As in, pero okay naman nabusog rin ako somehow. Tapos yun, kuwentuhan, usap, tawanan while eating. Naku, parang puros kuwento ko ata ang naaalala ko dahil smile lang ng smile si Chris. Hindi ko alam kung nilalayo niya lang sarili niya or tahimik lang talaga siya. Which is weird dahil sa chat naman hindi naman siya ganun katahimik. Pero okay lang, buti na lang talaga maganda smile niya --- oh di ba may consolation. So yun, umihi muna kami bago manood ng Sakal, Sakali, Saklolo. Tapos yun, nood na. Sa middle ng movie shux naihi pa ko. May namiss tuloy akong scene. Either way, tapos rin naman namin yung movie. Well yun movie sequel siya nung Kasal, Kasali, Kasalo. Ayun, kuwento ng buhay mag-asawa, pagiging asawa, magulang and anak at the same time. So yun, natapos din, tapos nagCR ulit si Chris sa may malapit sa movie house tapos yun, ikot ikot ulit kami. Tapos naisipan ko na namang magTimeZone. Sabi ni Chris hindi na raw niya age yun. Hello, ano ba siya 50 years old? Hahaha. So yun, as usual, addict na ata ako sa Fast and Furious Mr. T! Ayun, buti napilit ko ring maglaro si Chris. Hahaha, tapos meron pa isang guy dun akala niya mauunahan niya ko sa racing ha --- well, I finished 3rd and he finished 5th --- leche siya pinagod niya ko. So yun, umikot na naman kami. Nagkuwento ako dahil ganun ata talaga. Wala siyang kuwento. Tapos ayun, nagCR na naman ako. Grabe ano ba tong pantog ko na toh ihi ng iha. Anyhows, inantok na ko. Hahaha, so sabi ko magGateway na kami. Ayun, mabait naman si Chris, sabi niya magpahinga na rin ako. So yun, sabay kaming nagMRT and LRT2. Lahat ata ng LRT line merong ticket si Chris. Nung sa MRT and LRT2 naghihintay lang palagi siya sa kin para matapos bumili ng ticket. So yun, okay naman, paKatipunan siya and paJ.Ruiz station naman ako. Medyo umulan nung pauwi na ko. Suwerte ni Chris may payong na dala.
So yun, pagkauwi ko, hindi muna ako natulog, may adobo sa bahay so kumain muna ako. And ang palabas sa TV eh isa sa mga paborito kong Tagalog movie, Hiram na Mukha starring Nanette Medved, Christopher de Leon and Cesar Montano. Hahaha, tapos yun, tulog til 9:00pm. Hmmm... kasasara ko lang ng Drugstore Mr. T! Hindi pala natuloy kanina sina Mama umalis, mamayang madaling araw na lang raw sila aalis. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasama ako Mr. T! Kaso baka magpiyesta dito sa bahay si Reamaur at lugi ako. Hahaha --- sige sige update you soon Mr. T! Ayt?
zhouls (guest)