January 8, 2008
Unang Cut Ng 2008
Kumusta talaga Mr. T! Hindi na ko pumasok ng EM-TECH hindi pa rin ako pumasok ng EBISNES. Anyways, narealize ko na wala naman dapat ikabahala since first day lang naman eh. Ayun, tumawag si Tin habang nasa LRT2 ako sabi magTrinoma na lang. Since madali naman akong mahila kung san san, ayun, Sali ako. Ahahaha. Nagkita kami sa may KFC, andun si Deck, Aubrey, Tin and Matty. Tapos kausap din ni Matty yung friend niyang gay. Grabe isa siyang goddess. As in ang ganda niya and at the same time guwapo niya. Tangkad pa. Anyways yun, sakay ng LRT1 til EDSA and then bumili kami ng 2 ticket sa MRT para pagbalik from Trinoma effortless na sa pagpila. So yun, nakakatuwa kasi first time kumpleto lahat pumunta sa isang mall. Hehehe. Tapos yun, mineet naming yung friend muna ni Aubrey na si Kat sa may Jollibee kasama yung asawa at anak niya. Cute nung baby niya name Kevin. Hindi ko alam name nung asawa niya. Anyways, since lahat na sila kumain, ako hindi pa, kumain muna tuloy ako dun sa Jollibee ng 2 pcs. Chicken Joy habang nilalaro nila yung baby. And then, after I ate, ako naman naglaro dun sa baby. Ahahaha, cute nung baby tingin at smile ng smile sa kin. Hahaha, and tawa ng tawa yung baby pag nalulula. Cute. So yun, afterwards, pumunta kami dun sa may taas na park sa Trinoma. Umupo muna habang nagkumakain ng Blizzard si Tin. Ayun, pahinga onti and then Timezone. Kaaliw, una Dance Maniax ako magisa tapos sila Tokyo Drift. Tapos pinasali ako ni Tin and Deck sa Tokyo Drift --- hahaha --- lagi akong panalo. May talent pala ako sa racing na arcade. So yun, sabi ni Tin may Tokyo Drift na Motorcycle naman yung gamit, so punta kami sa kabilang Timezone. Ayun, kaaliw din! Hindi ko masyadong feel kasi talo ako palagi. Si Tin nagFirst pa. Sumali rin sa game si Matty and Deck. So yun, ang saya di ba? It was time for Kat to leave na so ayun babay babay na. Tapos kami umikot muna. Yung Bloomfields andun sa Central Area ng Trinoma nagperform. Ayun, tapos si Tin, bumili ng damit sa People Are People, ako nagfit ng kung anu ano hindi naman bumili. Tapos ayun, lakad lakad, pumasok ng Diego, F&H, Bench, etc. Wala lang magawa sa mga buhay. Tapos si Deck may pinaayos sa Globe dahil pumasok din kami sa Globe. So yun Mr. T! Tapos uwian na. May nabili pa kong yema sa may tulay na napakasarap. MRT na ulit kami and kaming 2 ni Tin sa Cubao bumaba and the rest sa EDSA. So yun Mr. T! Tapos si Tin hindi na nagLRT2, nagFX siya til Antipolo tapos ako bumili muna ng PC mic sa CDRKING and nagLRT2 na. Ayun, grabe may guy kanina sa LRT2 na sobrang puti! Parang lumaklak ng Glutathione! Ahahaah... anyways, yun, I’ll update you soon Mr. T! Nabaliw pala ako baket ayaw maconnect sa internet nung laptop ko, nakaproxy pala sa DLSU kaya naman pala. Hahaha--- update you soon Mr. T! Mwah!