Well dapat Mr. T! adjustment dapat yan hindi classes. Naku grabe, imagine mo, gumising ako ng pagkaaga aga, nasira ang train, haba sobra ng pila sa adjustment, buti nakapila na si Aubrey and Deck kaya medyo nakasingit ako and si Tin dumating din magkasunod kami. Tapos, yun, pinabalik kami ng 2pm since ubos na yung number para sa umaga. So what we did was nagpunta na lang kamng RP, kumain sa Chowking, nabuhusan ko ng Iced Tea si Aubrey tapos nagTimezone videoke. Dami bagong kanta sa videoke room, Umbrella, Unfaitful, Big Girls Don't Cry etc. etc. Tapos yun, mga 1:30pm we headed back sa school via taxi. Grabe pagkabalik namin, ang dami ng singit. Uminit ulo ko. Pero buti nakakuha kami ng number at hindi naman masyado kaming nausog sa linya. Dumating din si Matty. Ayun, word of the day, "ngab-ngab" --- ahahaha. Tapos yun, may Wiggles si Tin na dala and si Aubrey yung Lay's na Ketchup flavor na sa Saudi lang ata meron. Tapos hmmm... pumunta kong registrar (tinakbo ko) para ayusin immortality ko dahil ineligible ako magenrol kanina. So yun, buti naayos. Tapos nung ako na magpapaadjust kay Ms. O Holy Night Divine, grabe, walang mga subjects na puwede akong isingit. Spanish, Japanese, French --- lahat closed. So, INTPHIL, METHODS and PRTEMAN ang inadjust ko. Puta lahat back subjects. So yun, after nun, punta conserve bayad ng tumataginting na 220php, no pay no ID kanina! Grabe, reprint lang 220php! Tapos kuha form for special class sa Mobicom. Then, balik kay Gwen para kunin ang ID. Then naglakad kami to Quirino station, nakita pa namin yung si Dino Emperial sa may Sherwood. Ang aligasgas ng mukha Mr. T! Baket sa TV and flawless niya! Anyways yun, nagstop over muna kami sa isang carenderia para magCoke, libre ko. Tapos yun, Qurino station to Bambang. Nagpasama si Aubrey bumili ng scrubsuit dun eh. So yun, nakabili siya. Daming tao sa Bambang lahat ata Nursing students. Tapos yun, medyo umambon. Kami ni Tin ang Jeep and Lakad  after papuntang LRT2 tapos si Aubrey sumakay sa Bambang station to Central. So yun, buti hindi tumuloy yung ulan pero ang alinsangan. Pagkauwi, tulog! At sa wakas, di ko na kailangan manghiram ng DSL dahil kinabitan at naapprove na rin sa wakas yung DSL sa bahay! Yey! So yun anyways, nagbantay ng Drugstore pagkagising and yun... hmmm. Update you soon Mr. T! Ayt? Love ya! Mwah!
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on January 7, 2008 at 11:16 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.