Naku Mr. T! Dami ko na namang pimples! Ano ba ito! Nakakaiyak na! Hindi na ko teenager nagkakapimples pa rin ako, tsk. Anyways, went to school kanina tapos sa LRT1 stranded na naman dahil may sunog raw somewhere. So yun baba ako ng Avenida, naghahanap ng taxi. Parang 30 minutes ako nagabang, while under the sun, imagine mo ha, 11:30am na yun. So yun, naglalakad haban naghihintay. Inisip ko tuloy na magjeep nalang pero nakakapanget! Buti na lang umabot akong Carriedo Station kalalakad sa Avenida. Tapos yun, sabi gumagana na ulit pero sobrang tagal ng intervals nung trainsets. Ayun, sa sobrang tagal mejo natulog tulog ako sa loob ng train. Buti nakaupo ako. Tapos kung anu ano tuloy pumasok sa isip ko. Ayun, nakarating din ng La Salle salamat naman sa Diyos. Tapos yun, yaw na tanggapin ID ko nung scanner kasi di pa raw ako enrolled so visitor ako muna tapos dumiretso na ko Gox para kunin EAF ko. Buti andun si Ms. Kaishan kanina. Si Joshua Gan yung guy before me bago ko nakausap si Ms. Kaishan. May problem din ata siya sa EAF niya. Anyways yun, thanks to my immortality, 27 units na ko pero hindi na ko makikick out ever! Hahaha. So yun, sobrang bait ni Ms. Kaishan kausap, sayang never ko pa siya naging teacher sa kahit anong subject. Tapos yun, uwi, tapos hugas ng kinainan. Pauwi na raw si Sheila sa wakas naman para may katulong na ulit. Tapos nagYM nakachat muna si Jeffrey. Tapos natulog. Around 5:30pm ginising ni Ate, pinagbantay ako ng Medihealth. Grabe, so yun, wala kong magawa, nagcashier na naman ako dun sa forever haggard na drugstore na hindi na nawalan ng bumibili kaloka talaga! Ayun, si Michelle and Brian kasama ko dun. Tapos si Erwin nung dumating ako umuwi na. Hmmm... ayun, grabe, hindi kami makapagdinner dun sa drugstore na yun sa sobrang effort sa mga customers. Tapos may dumating pang friend si Brian na gay, name niya Darius, kinukuha number ko kay Brian pero hindi niya binigay. Good. Ayun, tapos eto kauuwi ko lang. Ay oo nga pala, 2 subjects lang nakalagay sa EAF ko Mr. T! Super adjust tuloy ako sa Monday nito... tsk tsk. Hay, sana umabot sa 12 units kahit papaano yung subjects ko or else LOA ako. Ahahaha... so yun, I'll update you soon Mr. T! Ayt? Mwah!
Currently listening to: the wind
Currently reading: Rhitz's YM Window
Currently feeling: ugly
Posted by jjcobwebb on January 3, 2008 at 11:34 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
Comment posted on January 4th, 2008 at 08:59 PM
halos dalawang araw ata bago nagstop yung sunog...buti na lang hindi naapektuhan yung daanan ng LRT mismo :D

subtlebliss (guest)

Comment posted on January 6th, 2008 at 02:25 AM
Buti na lang talaga! Naku,eps talga minsan ang LRT! Hahaha... grabe mahirap talaga pag nasisiraan ang LRT. Nagagalit ka tuloy kahit super daming times mo naman napapakinabangan... hahah... thanks for droppin' by :)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.